Hindi pa man 2013, may patikim nang kilig si Papa God sakin. Nangyari ang lahat sa Christmas Party. Ambilis lang ng happenings!
Dahil sa lasing na host, lasing na boss, makulit na manager at cool na mga katrabaho, napadpad ako sa stage kasama si Mr. Engineer (eto yung matagal ko nang "pinagnanasaan"). Charot. Napilitan din siyang hawakan ang mic at magbigay ng special Christmas message para sakin live via satellite! Oooohhh yeaahhh!! Siyempre di ako nagpahalatang kinikilig (kahit hanggang tenga ngiti ko). Dapat sasayaw pa kami pero dahil hindi raw siya marunong, di na natuloy. Anyway, akala ko dun na magtatapos ang lahat. Hindi pa pala.
Dahil ulit sa lasing na boss, bigla niyang tinawag si Mr. Engineer at pinaupo sa tabi ko. So wala siyang nagawa kundi sumunod. Nag-usap kami. As in usap. Ilang inches lang ang layo namin sa isa't isa. Waaaaaa! Infeyrness, hindi siya boring kausap. Pinag-usapan namin ang trabaho, high school at college life at pinakialaman ko na rin ang construction ng aming station na siya ang may hawak.
Inabot kami ng 2:30 ng madaling araw. Natapos ang aming pag-uusap sa simpleng hand shake. Hindi ko alam kung kelan ko ulit makikita ang kayang napakagandang smile pero babaunin ko ang moment na yun. Aaayyyii!
Papa God, you're the best! Thank you! Mwwwwaaahhh!
Hahahahahahahaha. Kaya pala walang imik si bakla lately. :))
ReplyDeleteAt kaya naman ganun na rin kakilig ang boses noong tumawag! Hahaha! eysows!
ReplyDeleteWahaha! Hoy! Kung sa coping lang naman, ako na ata ang pinakavoca here! Andrew, let's talk!
ReplyDeletePineapple, can't wait to see you here. Gusto kong ikwento ng personal para may mga actions pa! Ingat sa byahe. See you super soon :)