Wednesday, December 5, 2012

Hasta La Vista, Chi!


Isa siguro sa mga barkong yan ang sasakyan niya. Nalaman ko kanina sa FB na umalis na ang isang kaibigang hukbong dagat. Ni hindi man lang nagpaalam ng maayos ang loko. Nagkita pa kami kahapon pero napakadistant na niya. Hindi niya ako kinausap. Di man lang siya nagtext. Haha. Naalala ko tuloy yung sinabi niya dati, sa Bicol lang daw siya nahirapang umalis. Marami raw kasi siyang naging kaibigan dito at isa ako dun, kaya mas mahirap lalo. Nakanaman!

Hindi ko alam kung kelan ulit kami magkikita. Matatagalan daw siya sa barko. Nakakalungkot pero masaya akong matutuloy na ang matagal nang naudlot na parte ng pagiging isang hukbong dagat. Hanggang sa muli kaibigan! A snappy salute to you! Hooyaaah!

2 comments:

  1. Ay. Umalis na agad si hukbong dagat? :D

    ReplyDelete
  2. Oo, Andrew. Schooling daw muna tapos barko na. Tumawag siya kagabi, nagexplain. Charot. :P

    ReplyDelete