Wednesday, April 6, 2011
:'(
Boy it's been all this time
And I can't get you off my mind
And nobody knows it but me
I stare at your photograph
Still sleep in the shirt you left
And nobody knows it but me
Everyday I wipe my tears away
So many nights I've prayed for you to say
[Chorus]
I should've been chasing you
I should've been trying to prove
That you were all that mattered to me
I should've said all the things that I kept inside of me
And maybe I could've made you believe
That what we had was all we'd ever need
My friends think I'm moving on
But the truth is I'm not that strong
And nobody knows it but me
And I've kept all the words you said
In a box underneath my bed
And nobody knows it but me
But if you're happy I'll get through somehow
But the truth is that I've been screaming out
[Repeat Chorus]
I should've been chasing you
You should've been trying to prove
That you were all that mattered to me
Oh you should've said all the things
That I kept inside of me
And maybe you could've made me believe
That what we had girl
Oh that what we had, what we had
It was all we'd ever need
It was all we'd ever need
Sunday, April 3, 2011
Summer of 2011 na (OMG!)

Summer na. Naiinggit ako sa mga estudyante, kasi sila bakasyon na. Iba ang pakiramdam na maging pansamantalang maging malaya sa mga gawaing tinuturing mong pasanin. Masayang alam mong pagkakataon mo nang gawin ang mga nais mong gawin sa sarili mong pamamaraan. Naglululundag ang puso mo sa tuwa, parang Party! Party!
Naalala ko na naman kung pano nagsimula ang matamis na nakaraan. Summer Job of 2007, at Summer of 2009 naman iyon mapait na nagtapos. Sa pagbabalik-tanaw ko, naisip ko tila mas mahaba lang ang relasyon namin sa Isang Linggong Pag-ibig (ni Imelda Papin) ngunit ang paglipas ay tila mas mabilis pa sa isang iglap.
Nostalgic lang ako ngayon sa kaiisip ng Summer dahil marka ito na mahaba nang nagbakasyon ang puso ko from romantic love. Mahabang panahon nang naging malaya ang nabihag kong puso, at nararamdaman ko na ang mahigpit na yakap ng tagtuyot. Pinagtatanto ko kung marapat na ba akong magmahal muli? At kung oo, bakit?
Saturday, April 2, 2011

Kating kati na naman akong bisitahin ang account nya sa facebook. Buti na lang eh medyo duwag din ako't di ko kayang makita na may bago na naman syang kaharutan. Ang hirap. Minsan nga'y naiisip ko na mas mabuti na rin sigurong magkaron na sya ng bagong lovelife, yung seryoso, di yung puro pa-kilig at pa-display lang ang alam. Syempre sigurado namang magnga-ngangawa rin ako kapag nagkatotoo yun,
pero at least eh one time big time na sampal yun sa mukha ko, masakit, pero alam kong mas madali akong magigising.
Pagnagkataon, di ko na iisipin na siguro'y mahal nya pa rin ako't puro pagpapaselos lang ang ka-kornihan nila sa facebook.
Di ko na rin pag-iisipan ng masinsinan kung para sa'kin ba yung mga double meaning nyang status.
Di na rin ako magbabakasakaling takaw at lunod lang siya sa pride nya, kunsabagy eh swerte sya't mas matangkad na sakanya ang iniingatan niyang ego.
At lalong lalo nang hindi na rin ako dadalaw sa wall nya dahil isa na sya, sila, sa mga taong pinaglililibak ko noon, yun bang lantaran ang buhay pag-ibig, kulang nalang eh gawan nila ng pelikula o teleserye ang kabaduyan nila.
Ewan. Ang kati kasi. Siguro'y dahil pagaling na. ganyan daw ang mga sugat sabi ng nanay ko,
wag daw kamutin kasi'y pepeklat rin lang naman.