Wednesday, May 23, 2012

Hulagpos

Ito na siguro ang pinakamarahas na naranasan ko sa pag-stay ko sa Manila...sa magulong mundo ng Maynila.

Ramdam ko pa ang hagod ng mabilis na paghulagpos nito sa aking mga kamay. Na sa paglingon ko'y isang bata ang humugot dito, unang naisigaw ko lang ay *fuck (na di ko alam kung bakit) sabay habol at pilit na pinantayan ang kumakaripas niyang takbo. Ilang metro rin 'yon, na ni isa man lang ay walang nagtangkang tumulong sa akin...kahit isa. Wala na akong nagawa, maliliksi at mauutak sila...oo tatlo sila.

Natigilan na lang ako at di alam kung anong gagawin. Ilang minutong natulala at napatingin sa kawalan. Hindi ko na sila nasundan ng tingin. Sa pagkakataong ito may nakiusyoso na, pero ano pa bang magagawa nila? Wala na nga akong nagawa kundi bumalik sa opisina na mabigat ang loob. Bukod kasi sa hindi ko pag-aari ang perang laman noon, nandoon din ang mga mahahalagang ID at card ko.

Sabi nila parte na raw talaga 'to ng buhay. May mas marami raw at magandang balik na swerte 'to. Sana nga.

Sa ngayon, kailangan ko mag move on. Medyo mababaw kumpara sa naranasan ng iba pero ambigat lang.

Here I Go Again

Araw araw ko namang binibisita ang ating mundo copers pero ngayon lang ulit akong ginanahang magsulat. Malamang iisipin niyo, "ay broken-hearted na naman si Tonto". Ipagpalagay na nating hindi masyado. Nasa gitna ako ng kalungkutan at kasiyahan. Baliw lang ang peg.

Aaminin kong nagmahal ako ulit, este, nagmamahal ako ulit. Kung nasusundan niyo ang mga entries ko, eh alam niyo kung kanino. Nagmamahal ako kahit alam kong hindi ganun ang nararamdaman niya para sa akin. Sa mga ganitong pagkakataong napapatunayan kong totoo 'to. Hindi ka naghahangad ng anumang kapalit kahit paminsan-minsan nakakaawa ka na. TL ika nga. Naks.

Bata pa ako. I know. Marami pa akong makikilala. Pero sabi nga ng isang kaibigan, kahit anong baling mo sa iba, kung yung isang taong yun ang dinidikta ng puso mo wala ka nang magagawa. Siya talaga. Oh well. Sa ngayon, masaya na ako na nakakakulitan ko siya. Tama na din siguro yun kesa naman ipipilit pa ang hindi talaga pwede. Kaso lang, nasasaktan din ako. Gusto ko nang lumayo ng ilang beses pero hindi ko natitiis. Bumabalik pa rin ako. Tanga lang ang peg.

Hindi ko alam kung san aabot tong nararamdaman ko. Ang alam ko lang ngayon, masaya ako pag nakakausap ko siya. Namimiss ko siya. Tapos!

(may 23, 2012. 10pm. May background music na Kung Ako Na Lang Sana ni Bituin Escalante)

Tuesday, May 22, 2012

I'm sorry for not saying sorry. 

I know I've been selfish all this time. I know that from the very start you've been giving your best to save this relationship. It has been six months since we decided to close our eyes from the disapproving stares of the people around us; six months and a half to be exact when we've held hands and have taken no notice of the rumors spreading about the choice that we made.

Tell me now. What should I do? What more can I do when what I had believed  to be faultless and wonderful seemed to eat us alive? Did I just overlook the signs that keep on reminding us of where should we really be heading? Tell me that I'm no monster after all. Tell me that it is just normal. That what we are going through is a significant part of our relationship. Of our life. Tell me that everyone has to deal with this kind of hitch. Convince me that I am not the one manipulating this game. That it can't be a game of any kind. Because we are real. Our feelings are genuine by any means.

I keep on wishing that you know how much you worth to me. That you're my everything. That I love you more than anyone could ever do. You must know that no one could ever own my heart and nobody else has me but you. Just you. You're like home, my heaven more likely.

I love you. I do. I love you for so many reasons. I love you so much that it hurts.

Tell me. If it means hurting you, should I continue? I've hurt you before and I know that I'll hurt you more.
I care more than my actions show. I am afraid to lose you more than my fvckin pride can hide. But tell me, should we wait for the time that there's nothing more left but pride, hurt, and hatred? We're no strangers in love.  But can we help not to be indifferent? Because indifference is the worst thing I've ever known. It is more horrible than rage. Its flatness and dullness are curse.

Tell me I'm no monster after all. Tell me that leaving isn't the only option I have. I've been to many places and wasted so many chances. Say it to me, that this time I have to stay.

Monday, May 14, 2012



Gusto kong pumunta ng London. Maghahanap ako ng Briton na gwapo at mayaman. Pag sa tingin ko'y compatible kami, aasawahin ko. Mamahalin ko ng todo-todo. 'Yung tipong hahanap hanapin nya yung pagmamahal ko. Pag okay na kami at kapag may mga mapuputi at blue-eyed o/at gray-eyed na mga anak na, iuuwi ko sya sa Pilipinas kong mahal.

Sana ganyan kadali ang magplano at maglagay ng direksyon sa buhay. Ptang*nang hirap. Kelan ba nagsimulang maging mahal ang mangarap? Lahat na yata ngayon eh mahal, kung hindi naman mahal, impossible.

Sunday, May 13, 2012

Nagbabalik

Minsan kailangan mo daw madapa para matuto kang tumayo sa sarili mong mga paa. And when you learn to be strong, you become a better person. Kaya mo nang harapin ang mga problemang ibabato pa sayo ng buhay kahit gaano pa kahirap ng mga ito. Madami na ding itinuro ang buhay sa akin pero naniniwala ako na andami ko pang dapat pagdaanan para masabi ko na mas maayos na akong tao kesa noon. Pero nagpapasalamat ako sa lahat ng paghihirap na pinagdaanan ko, natuto kong harapin ang outside world at nahanap ko ang mga kaibigan na alam ko anjan lang para sa akin. Nagpapasalamat ako sa buhay na to, sa mga problema, sa saya, sa pag ibig, sa bagong pag-asa at sa pangarap. Dahil sa lahat ng ito, araw araw akong masayang bumabangon dahil sabi nga nila "Habang my buhay, may pag-asa."

Wednesday, May 2, 2012

ang pag move on ng panahon at mundo

Isa-isa nang nagsasara ang ilang establisimyentong naging setting ng ilang eksena sa love story natin.

Mula sa Starbucks Adriatico
, sa unang branch ng Starbucks kung saan tayo tumambay. Naaalala mo pa ba? Nung sinamahan kitang magreview? Sabi mo pa nun dalhin ko si Lex (laptop) para may magawa ako. Magsesecond sem ng third year yun..may removals ka. Sinuportahan kita..kaya lang hindi ka pumasa. Masyado ka atang distracted sa pagrereview mo. Pano ba naman kasi, iba pa nun yung inaatupag mo. Hindi pa tayo nun ha.
Sa Starbucks Adriatico mo rin ako unang pinatawad...sa pinakamalaking kasalanan na nagawa ko sa'yo. Sa couch na yun sa may pinto. Hindi ko makakalimutan kung paanong habang umiiyak ako ay bigla mo na lang akong hinalikan at pinunanasan ang luha ko tsaka mo sinabing mahal mo ko. Doon sinabi mong hindi mo ko iiwan. Doon nalaman ko kung gaano mo ko kamahal. Doon ang isang lugar kung saan nakita kong umiyak ka, kung saan nakita ko ang kahinaan mo. Kung saan pakiramdam ko, binuksan mo ang sarili mo sa akin. Sa Starbucks Adriatico, tinunaw mo ang puso ko. Binago mo ang buhay ko.
Naaalala mo pa ba?

Sunod naman ay ang Banapple sa Tomas Morato kung saan super late nating sinelebrate ang birthday mo this year. Hindi na tayo ganun kasaya. Alam kong pinagbigyan mo lang ako. Isa sa maraming pagkakataong napilitan ka. Hindi naman talaga nagsara ang Banapple sa Morato, lumipat lang sila ng pwesto, sa tabi mismo ng dating lugar. Pero iba na e, mawawala na yung lugar kung saan tayo kumain. Yung table kung saan tayo nagsalo.
Naaalala mo pa ba?

Kanina dumaan ako sa V. Cruz. Wala na rin pala yung 7-Eleven doon malapit sa Torre Lorenzo along Taft Ave. kung saan madalas tayong magmeet kapag may icocover akong sports event sa Rizal Memorial Stadium. Madalas akong ma-late. Madalas galit ka. Ayaw mo kasi nang nale-late. Ayaw mong pinaghihintay ka. Isa lang yun sa maraming bagay na ayaw mo sa kin. Aminin mo man o hindi. Alam mo man o hindi. Aware ka man o hindi sa mga nirereklamo mo. Dun sa 7-Eleven na yun, bumibili tayo ng breakfast snack lalo na pag baseball game sa umaga. Ang tagal kasi nun, tatlong oras. Dun mo rin ako binibilhan ng gatorade at chocolate biscuits na knick-knacks na pinagsasaluhan natin habang nanonood ng game.
Naaalala mo pa ba?


Isa-isa nang binubura ng mundo ang mga alaala ko sayo. Handa man ako o hindi, binabago na niya ito. Gusto ko man o ayoko, inaalis ka na niya sa nakikita ko. Akala niya makakalimutan kita. Mas nakikita at napapansin ko lang naman yung mga nagbago ngayong wala ka na.  Yung bang absence o kawalan mo at ng alaala mo.

Grabe ang mundo no? Walang pakundangan sa nararamdaman mo. Iikot at iikot, tuloy pa rin sa pag-ikot kahit hilong-hilo ka na at gusto mo na lang tumigil sa isang sulok.
Sabi nga ng kanta, "Tuloy-tuloy ang ikot ng mundo. 'Di to hihinto para lang sa iyo..."

Grabe rin ang panahon. Lumilipas at patuloy na lumilipas. Pero ang totoo, mabait pa ang panahon. Ang panahon di ka iiwanan niyan...isasama ka nga niya e. Ang masaklap, kung paano ka niya dadalhin. Ang panahon, kakaladkarin ka araw-araw hanggang segu-segundo ke gusto mong sumama sa kanya o hindi. Kahit na buong pagkatao mo na ang igayod mo sa kalsada ng panahon para lang pigilan siya, hindi siya papapigil. Hindi ka pwedeng magpaiwan. Kasi sa totoo lang? Wala ka namang choice e.

Walang pakialam ang panahon sa nararamdaman mo. Walang pakialam ang mundo sa nararamdaman mo.
Pero sabi nila, kung pababayaan mo lang daw sila, ang mundo at ang panahon mismo ang maghahatid sa'yo sa dapat mong kalagyan.



Alam ko naman yun e. Pero ayoko. Kasi, alam ko ring dadalhin nila ako sa lugar at oras na malayo sa'yo.
 *10.24.11*

Tuesday, May 1, 2012

I'll be there in a heartbeat

My soul is broken
Streets are frozen
I can't stop these feelings melting through

(Summer Paradise by Simple Plan ft. Sean Paul)