Thursday, March 31, 2011
Radyo
Masayang magbasa ng mga text messages tuwing naka-onboard ako sa radyo. Samu't saring mga pagbati, request, at kung anu-ano pa. May mga naghahanap nang textmate, yung girl 18-28, hindi maarte, at pwedeng makatext magdamagan.'Yong iba naghahanap nang pwedeng maging sugar mommy.
Kagabi may isang texter na nagsabi na masama ang loob niya dahil nakipagbreak daw sa kanya ang gf niya, sabay request ng kantang "Sorry na" ng Parokya ni Edgar na hindi ko naman na-play kasi wala sa playlist namin.
Nagbigay ako ng advice sa kanya na hayaan niya na munang lumipas ang panahon. Hayaan niyang humilom muna ang sugat. Sinabi ko rin sa kanyang 'wag padadala sa kanyang emosyon, kasi minsan sa sobrang sakit at sama ng loob natin ay nakabibitaw tayo ng mga masasakit na salita, na kailanma'y hindi na natin maaaring bawiin.
At bakit ba ako nagbibigay ng payo? Hindi naman siya humihingi.
Hopeless
Nagulat ako, nung nirerefresh ko ang webpage ang lumabas ay Facebook profile mo. Sabi ko, siguro sinyales 'to na dapat batiin kita dahil graduate ka na? Tapos magiging close ulit tayo. Kaso biglang naalala ko, yung birthday ko nga nakalimutan mo. Kaya ang ang naging sagot sa eksenang ito sa likod ng utak ko (at the back of my mind, translation? ), "HINDI RIN."
Duwag
Ilang buwan na pala ang lumipas; pawang masasaya't malulungkot. kung tutuusin, kinaya ko nang mabuhay na wala ka. pero inaamin ko, hanggang ngayon e takot pa rin akong makitang "in a relationship" ka na sa Facebook. madudurog yata lalo ang puso ko. -.-
Wednesday, March 30, 2011
Tuesday, March 29, 2011
Monday, March 28, 2011
Supalpal!
Boy: Miss, pwede ba manligaw?
Girl: Oo naman! bakit hinde? basta 'wag saken. :p
Nyahahaha.
Girl: Oo naman! bakit hinde? basta 'wag saken. :p
Nyahahaha.
Sunday, March 27, 2011
Hinay hinay lang
Hindi naman sinabing 'wag ka magmahal nang lubos. hindi rin sinabing pigilan mo ang sarili mo. pero sa tingin ko, sa oras na nagmamahal ka na, subukan mo ring magtira kahit konti sa sarili mo. kahit konti lang. para kung sakaling isang araw ay wala na sya, 'di ka naman ganoon ka-baldado. at kahit papano e kakayanin mong magsimula kahit mag-isa ka.
Saturday, March 26, 2011
Thinking of You
You rarely cross my mind; but when I do, here is one thing I always want to tell you:
U might have turned them into believers, but those who really know u don't believe in U anymore. Now, take that.Thursday, March 24, 2011
Wednesday, March 23, 2011
Sunday, March 20, 2011
Saturday, March 19, 2011
Thursday, March 17, 2011
Maligayang Paglalayag
Alam kong magiging masaya ka dyan. Masaya ako na ipagpapatuloy mo na ang mga naudlot mong pangarap. Hindi man ako nadyan palagi, alam mong may maaasahan ka dito. You know where to find me. Isang paalala: ok lang kung kahit papaano'y lingunin mo ang nakaraan basta wag mo nang babalikan. Ikaw din. :)
Tuesday, March 15, 2011
tupperware
Kung may mga bagay dito sa mundo na ipinagpapasalamat ko, yun yung nakilala ko ang iyong tunay na pagkatao. Sa ilang taon nating magkasama, pilit mo palang ikinubli ang tunay mong ugali. Kung dumating man ang panahon na makakaharap ko na si San Pedro, malakas ang loob kong sasabihin sa kanya na naging totoo ako sa sarili ko at sa mga taong nasa paligid ko. Kaya good luck na lang saiyo.
Depths
So this is the depths of pain. It is seething hard but it teaches you life's biggest ironies and mysteries.
My deep pain comes from my discovery of the unthinkable traits of man in a dog-eat-dog world--how friends could suddenly turn into savage beasts that devour you and how they could play sheep to save their faces. In reality, life's discrepancies can be utterly frustrating. Life is just unfair.
But at the point of breaking down, you would learn to value whatever is left of you, if it's dignity, be it dignity. If it's just a bit of your pride or just your self, you would learn to safekeep, to protect, to defend. You would learn to pat your own back in the midst of torment. You would love yourself above anyone else, for in times of suffering, self-preservation is knee-jerk.
My deep pain comes from my discovery of the unthinkable traits of man in a dog-eat-dog world--how friends could suddenly turn into savage beasts that devour you and how they could play sheep to save their faces. In reality, life's discrepancies can be utterly frustrating. Life is just unfair.
But at the point of breaking down, you would learn to value whatever is left of you, if it's dignity, be it dignity. If it's just a bit of your pride or just your self, you would learn to safekeep, to protect, to defend. You would learn to pat your own back in the midst of torment. You would love yourself above anyone else, for in times of suffering, self-preservation is knee-jerk.
Monday, March 14, 2011
test
ikaw na mismo ang lumayo. at sa paglayo mo, parang kinalimutan mo na rin ang lahat. hindi ako magmamakaawang bumalik ka dahil hindi ako tanga. ayoko lang na dumating ang panahon na gagawin mo rin ang ginagawa ng aso- kinakain ang mga isinuka niya. wala ka nang kakainin. tandaan mo yan!
Thursday, March 3, 2011
In-sek-yo-ra
Ginagawa mo ang lahat para manira ng iba. kung ganyan ka at wala ka ng ibang paraan para makaramdam ng kahit konting kakuntentohan, kawawa ka naman. ikaw ang totoong depinisyon ng salitang loser. tumanda ka nga, paurong naman. get a life, man.
Subscribe to:
Posts (Atom)