Monday, June 20, 2011

Paumanhin


Tatlong magkakasunod na po yata ang nai-post ko na blog (pang-apat na 'to?). Pasensya na po at magkakasunod sila. Bugso lang ng po damdaming naghahangad na makayanan ang mga nangyayari sa buhay-buhay.

Salamat!

Stop, Look and Watch


I really don't know why this is happening. Maybe it's partly my fault, yeah, partly. I'm not saying that I'm washing my hands out of something, but it's just that I can't find one that can satisfy your standards. Are we playing tagu-taguan here? Let's accept it, there are really times that we are experiencing drought. They do not want to be seen nor to be discovered.

Honestly, I'm having difficulty dealing with this one. I cannot see myself begging for your forgiveness because I'm actually expecting for your judgment. Should I prepare myself for it? Oh no!

Anyhow, I'm trying and doing my best to eventually settle and fix things. I just wish, no, I hope the next few hours would be my time. I hope and I pray. Let's just pray.

Behind the RAIN...Is that you?


Lunes. Holiday. Walang pasok...sila na ang walang pasok dahil ako, meron.

Maulan pa rin. Malakas pa rin ang ulan. Madilim pa rin ang paligid. Iba pa rin ang pakiramdam ko.

Bigla kang nag-text kinahapunan at ano nga ba mararamdaman ko? Malamig sa office, malamig din ang panahon pero biglang nag-init pisngi ko at namula kahit pa isang word lang naman message mo at isang smiley.

Napatayo ako't napatingin na naman sa bintana...ikaw na ba talaga yun?

Di ko pa rin alam.

Sunday, June 19, 2011

Behind the RAIN


Linggo. Oo Linggo nga pala ngayon.

Lakas ng ulan, iba na naman ang nararamdaman ko. Ganito talaga ako sa tuwing umuulan, may kung anong bigla na lang naaalala at nararamdaman na hindi ko alam. Iniisip ko kung ano nga ba iyon, pero di ko malaman. Bigla na lang ako napapahinto, natutulala, pinapakinggan ang patak ng malakas na buhos ng ulan na para bang isang musikang animo'y pampatulog.

Tumingin ako sa bintana, naisip kita. Ano kaya ang ginagawa mo ngayon? Nasa labas ka kaya? Baka nauulanan ka na? Di ko alam ba't ikaw ang naaalala ko? Bakit nga ba IKAW? IKAW na kaya ang sagot sa katanungan ko kung bakit iba ang nararamdaman ko sa tuwing umuulan?

Ewan.

Wednesday, June 15, 2011

Although I Choose to be Single...for now :)



“Loving someone is never a perfect journey. However, love enables a person to see beauty despite the imperfections and short-comings. A heart that faces challenges but continues to love passionately is far better than the one that never experienced it. Love is perhaps the most powerful human experience. It overcomes overwhelming struggles, heals the deepest wounds, and quenches every soul's longing.”  

Buntong-hininga


Sinabi ko sa sarili ko noon na hinding hindi ako magkakagusto o magmamahal ng isang kaibigan. ‘yung tipong kasa-kasama mo araw-araw at alam na lahat ng baho ng buhay mo. pakiramdam ko kasi kapatid ko na yun at nakakadiring pumatol sa ganon, incest ba.

Ilang beses ko na ring napatunayang matatag ako pagdating sa prinsipyong yan. pero neto lang nakaraan, tingin ko paunti-unti kong kinakain ang sarili kong mga salita. nakakainis. nakakagulo ng utak.

Tama, sabi ng isang kaibigang sociology major sa Peyups, familiarity breeds life. ibig sabihin, malaki daw ang tendency na mahulog ka sa isang taong nakasanayan mo nang makasama araw-araw, kahit pa sa pinakasimpleng mga bagay. hindi ako naniwala agad.

‘Yung isang taong takbuhan ko kapag gutom o bagot ako, naging kapatid ko na rin sya. parang weird lang dahil nitong nakaraang linggo, nagkakaroon ng kakaibang kahulugan para sakin ang bawat ngiti o halakhak nya sa mga biro ko. noon normal nalang yun. ngayon, iba. maganda sa pakiramdam. parang bumabagal lahat ng bagay sa paligid, nagiging mas makahulugan yung bawat salita o ngiti kapag sa bibig nya mismo nanggagaling. hay.

Hindi ko gustong magtunog-emo o malungkot dito. iniisip ko nga rin, mas pipiliin ko yata yung friendship na matagal-tagal na rin naming iniingatan. kasi kung hindi man lagi, kadalasan, mas nagtatagal ito at walang masasaktan.

Sunday, June 12, 2011

Diamonds

"Look into the darkness and places you wouldn't normally look to find uniqueness, 'cause that's where the diamonds are hiding." ~Lady Gaga

Wednesday, June 8, 2011

Monday, June 6, 2011

Date

Habang nasa SM ako kanina, paulit-ulit kong sinasabi na June 6 ngayon at hindi February 14. Para akong sinasampal sa mukha sa tuwing may nakakasalubong akong mag-boyfriend at girlfriend, additional na sabunot at kurot kapag nagkataong magka-holding hands ang dalawa.