Nasabi sakin na gusto mo raw akong makilala Artemis. Excited na rin akong makilala ka. Pero parang aatras na ako sa inuman. Kasabay kasi ng unti-unti kong paglitaw sa kumunoy ng pag-ibig eh ang unti-unti ko ring pag-alis sa bisyong yun. Bawal na rin kasi sa singing voice ko. Alalahanin ang voice lesson, sayang naman ang bayad diba?
Anyway, sabi mo raw eh parang may pinaghuhugutan ang mga entries ko dito. Well, meron naman talaga. Hindi naman ako magsusulat kung wala. =)
Sa totoo lang napapagod na rin ako sa purong ampalayang mga entries ko. Nakakasawa. Nakakapagod. Gaya rin yan ng pagmamahal. Napapagod din at nasasawa tayo lalo na kung tayo lang siguro ang nagmamahal. At pag napagod na ang puso, paniguradong hindi na nito hahayaang masaktan muli ng parehong taong nanakit.
Hindi ko sinasabing magiging bato na ako forever. Narealize ko lang na hindi na ako papayag na masaktan ulit ng mga taong nanakit sakin. Darating ang panahong ako'y iiyak muli pero sinisiguro kong, sa ibang tao naman. Huwag nating hayaang paulit-ulit tayong saktan. Pero wag din nating hayaang maging rason ito para di tayo magmahal ng iba. (Parang paikot-ikot lang ako ah)
Nitong mga nakaraang linggo eh masaya ako. Aaminin kong ang mismong taong nagpapasaya sa akin ay siya rin yung nakasakit sakin. Pero matagal ko na rin siyang pinatawad. Masaya akong muli kaming nag-uusap ngayon despite ng mga nangyari. Mas masaya pa nga ngayon. No expectations so, no pain. Kung saan man kami siguro dalhin ng kapalaran eh bahala na. Wag na lang pangunahan ang mga bagay-bagay. Yun siguro ang isa sa mga natutunan ko. Ay may isa pa pala. Maniwala tayo sa sinasabi ng simbahan na, "Leave everything to God". Naiiyak ako sa post na 'to hindi dahil sa sama ng loob kundi sa saya. Natutuwa ako sa sarili ko. Ang laki na ng pinagbago ng pananaw ko sa pag-ibig.
Dahil sa mga natutunan ko, alam kong magiging karapat-dapat na ako sa lalaking darating. Alam ko kung paano masaktan kaya ayokong manakit.
Gusto ko lang ishare to mula sa aking pare na si Paulo Coelho:
"Those wounded in love, unlike those wounded in armed conflict, are neither victims nor torturers. They chose something that is part of life, and so they have to accept both the agony and the ecstasy of their choice.
And those who have never been wounded in love will never be able to say: “I have lived”. Because they haven’t."
OM!
ReplyDeleteHindi pa kapani-paniwala diba? pero totoo yan =)
ReplyDeleteNaniniwala naman ako. Natutuwa ako para sa'yo! :)
ReplyDelete