Alam mo hindi talaga mawawala yung mga taong OA
sa earth. Yung tipong naiintindihan mo naman na stressed at worried sila sa
trabaho pero kailangan ba talaga nilang isigaw at ipakita yun sa buong mundo?
Yun bang akala nila sila lang ang namomroblema at dapat mo silang tulungan sa
abot ng iyong makakaya? Or pinararamdam nila sa 'yo na nahihirapan sya dahil sa
kulang ang mga requirements na naibibigay mo sa kanya? Wag ganun pre, OA na
yan. Lagi mo nalang pinipilit na hindi maganda ang takbo ng storya mo. Wag ka
masyado mareklamo. Oo may kulang na binibigay yung subordinate mo pero hindi
naman kailangan na mas palalain ang sitwasyon sa mga kwento mo. Isip nalang
kaya ng paraan kung paano masosolusyonan ang problema? Hindi ko alam ha. O baka
lang hindi ko lang din maintindihan to sa ngayon kasi wala pa ako sa ganyang
posisyon? Haaay.
Tap, tap.. I feel you. Aja! :)
ReplyDeleteSabi ko na nga bang si screened name ang unang magcocomment. Hehe. Sabihin na lang nating, may mga OA talagang madlang pipol. Dahil kayo ang nakakakita na bad ang ginagawa nila, intindihin niyo na lang muna. Kung hindi niyo na kayang tiisin ang mga pinagagagawa nila, kumuha kayo ng hibla ng kanilang buhok. Ipapakulam natin. Hihihi
ReplyDelete