Friday, February 24, 2012
Sabawan
Marahil sa mga oras na ito ay nahihimbing na ang karamihan. Pero ako, kami, heto, gising pa. Tumitipa sa keyboard ng kompyuter na ito. Di ko alam kung saan hahantong ang pagpindot sa mga buton. Di ko rin alam kung anong ideyang naiisip ko. Basta. Gusto ko lang magsulat.
Noong Biyernes nabigyan na agad ako ng istoryang gagawin para sa susunod na episode. Sabado hanggang Lunes nasa ibang probinsya ang aking prodyuser para sa nasabing kwento. Pakiramdam ko ang luwag luwag ko, ang luwag luwag ng takbo ng istorya. Lunes pa lang tapos na kami maliban sa iba pang materyales na susuporta sa kwento. Iyon lang at marahil tapos na. Simpleng requirement na lang sdin ang hiningi nila para sa stylize.
At 'yon na nga. Akala ko matatapos na kami ng maaga at makakapagpahinga. Ngunit nakipagsabayan pa rin kami sa ibang istoryang mas problemado kaysa sa amin. Ang simple lang naman pero bakit nasasabaw ako? Lutang lang? Stressed? Di nga masyado eh. Pero bakit ganun?
Kaya heto, Sabado na ng madaling araw, eere na mamaya ang istorya, may ihahabol pa na shoot.
Buti na lang mabait ang prodyuser ko.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment