Matagal na siyang may kinikimkim na sekreto. Mula nang bata siya, alam niyang kapag nalaman ito ng mga taong nasa paligid niya ay panghuhusga ang matatamo niya kundi man awa. Awa na hindi niya kailangan kundi panguunawa.
Habang lumalaki at nagkakaisip siya ay bitbit pa rin niya ang pinakatatago niyang sekreto. Sekretong hindi pa rin niya alam kung paano sasabihin sa taong pwedeng mapagkatiwalaan; dahil wala pa siyang natatagpuang siguradong pagkakatiwalaan.
Habang lumalaki ay nakikilala niya ang kanyang sarili, ngunit di tuluyang makaalis sa kahapong patuloy na bumabagabag sa kanya. Habang lumalaki ay patuloy itong gumugulo sa isip niya. May kulang pa rin sa kaniya.
Sa pagdaan ng mga panahon nagkaroon siya ng mga kaibigan, mga kaibigang kanya nang pinagkakatiwalaan. Ngunit kailangan niya naman ngayon ng lakas ng loob para ibahagi ang kanyang sekreto at simulang mabuo ang kanyang sarili.
Hindi niya inisip na dadalhin niya ito hanggang libing. Ngunit mahirap...mahirap magtiwala.
may takdang panahon para sa lahat. takdang panahon para palayain ang nakakulong na sikreto. wag mag-alala.
ReplyDeleteHihintayin ko ang panahon na yun. Salamat tonto. Hihintayin ko rin ang panahong magkita tayo. :)
ReplyDelete