Friday, February 17, 2012
Voice Lesson
Marami ang nagtatanong sa akin kung bakit nga ba ako nagvovoice lesson. Ano ngayon sainyo? Joke. Sa totoo lang, trip ko lang talaga. Nagsisimula naman sa trip ang lahat diba? Dumating lang siguro sa punto sa buhay ko na naghahanap ako ng mapaglilibangan. Para maiba naman. Pantanggal stress lang. Stress sa trabaho, stress sa lablayp-na-wala-naman. I want something interesting to look forward to para kahit papano magkaroon naman ng konting kulay ang buhay ko. Na every weekend ay may gagawin ka naman para sa sarili mo. Hindi puro ibang tao na lang.
Sapat na siguro yun na rason para mag-aral akong kumanta. May nakapagsabi sakin na hindi raw dapat ganun pero pinaninindigan ko ang desisyon at sagot ko satuwing may nagtatanong sakin. Gusto ko rin namang matuto para sa sarili ko.
Hindi ko 'to naranasan nung bata ako. Hindi pa naman siguro huli para sa ganito diba? Mali lang siguro ang nangyari noong Enero kung kelan nagdesisyon akong mag-enroll dito pero sabi nga, lahat ng nangyayari sa buhay natin,masama man o maganda ay may dahilan. Nagpapasalamat na rin ako at nangyari ang mga nangyari.
Sya nga pala, pinag-aaralan ko pa rin sa ngayon ang "proper breathing".
Labels:
boses ng puso
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
haha, gusto ko rin mag voice at drums lesson! keep it up! pampatanggal stress ang voice lesson tonto:)
ReplyDeleteKeep breathing the right way Tonto! :) Lavet!
ReplyDeleteSay hi to Teacher Wilma for me. Pwede mo rin tingnan yung recital photos namin noong late 1990s at early 2000s, nandun sa photo albums sa studio. Ikaw, mag-recital ka para complete experience! XD
ReplyDeleteWala atang recital ngayon Andrew. Dalawa lang kami ngayon. Isang Grade 6 at ako. Nyahaha. Hanggang March lang nga ang lesson ko eh. =)
ReplyDelete