Thursday, April 26, 2012

Untitled post

Ito yung isa sa disadvantages ng mga relasyong naudlot at walang closure. Kahit ilang kilometro na yung naabot mo sa paglakad papalayo, isang hatak nya lang bumabalik ka agad.

Wednesday, April 25, 2012

Kung Pwede Ka Lang Sanang Bumalik

Nitong mga nakalipas na mga araw, ikaw ang laging nasa isip ko. Lahat ng mga pinagsamahan natin, masaya man o malungkot, tila bumabalik. Namimiss ko ang mga ngiti mo. Namimiss ko ang pagpasok mo ng opisina at kasabay ng pagtanggal mo ng iyong shades ay ang sweet mong smile sa akin. Namimiss ko ang pagkakilig mo kung binibiro kitang hahalikan kita sa cheeks, magbablush ka pa. Namimiss ko kung papaano ka magworry kung wala pa akong nakukuhang balita, kahit hindi naman talaga ikaw ang partner ko. Namimiss ko kung papaano tayo magmodel-modelan sa editing room. Namimiss ko ang mga panahong papasok ako ng editing room na makikita kitang natutulog sa sahig. Namimiss ko yung pag-upo sa tabi mo habang tulog ka tapos kapag nagigising ka, bigla mo na lang akong yayakapin. Namimiss ko ang mga moments na kahit hindi man direct, you made me feel very special. Namimiss ko ang inuman nating dalawa. Namimiss ko ang paghatid mo sakin sa boarding house kahit alas dos na ng madaling araw at galing tayo sa inuman. Namimiss ko kung papaano ka magalit kapag nalaman mong umuwi akong mag-isa mula sa inuman. Magagalit ka sa mga kasama ko. Namimiss ko ang pagkain natin ng siopao sa mall. Namimiss ko rin na diring-diri ka sa suka. At para mas lalo kang mainis, nag-iiwan ako ng suka sa editing room. Namimiss ko yung paghawak mo sa kamay ko, na ngayon pinagsisihan kong agad kong tinatanggal. Namimiss kita. Ikaw mismo.

Sayang at wala ka na. Alam kong isa ka sa pinakamasayang tao tuwing may achievement ako. Sayang, hindi na ikaw ang kasama ko nung unang umere ako sa national. Sayang at hindi ka na namin nakakasama na manlait tuwing pumupunta kami ng mall. Sayang at hindi mo na nakikita ang pag mature ko. Brave na ako ngayon, alam mo ba? Sayang talaga.

Sana nandito ka pa. Sana magkasama pa rin tayo ngayon. Sana nakikita pa rin kita. Sana nakakainuman pa rin kita. Sana hindi ka agad kinuha. Sana kahit man lang sa panaginip, makausap kita. Nalulungkot pa rin ako pagnaaalala kong wala ka na. Tulad ngayon. :'(

(Abril beynte singko, alas siete trenta y ocho ng gabi)

Monday, April 23, 2012

Repost: Random thoughts

I wanna see you more often, closer.
I wanna touch you, touch you ’til I feel that spark.
I wanna smell your cologne everyday.
That smile,  I wanna smile back from ear to ear.
That smirk, I wanna pinch you gently.
That touch of your hands, the warmth.
That thought of you everyday makes me weak to death.

Just a step away

If I come to think of it, I can choose to be free from emotional baggage anytime. Hindi naman ako ang nanloko at nanakit. Hindi naman ako ang uusigin ng nakaraan. At lalong hindi rin ako ang nawalan ng mga matatagal nang kaibigan. I'm just a step away. Pero kayang-kaya ko ang delayed gratification dahil hindi naman ako kating-kati parati na maging masaya. :))

Sunday, April 22, 2012

Nung Minsang Napagod si Tonto

Tanggap mo nang hindi na babalik ang nakaraan. Nasanay ka na ng wala ang mga dating nakasanayan mo. Napagod ka na. Utak, puso, atay, lahat na yata ng parte ng katawan mo ay nagsasabing "time's up, game over". Kung kelan nakamove-on ka na, darating naman ang pagkakataon na magpaparamdam. At parang kahapon lang ang masasayang nangyari. Lugmok ka na naman ulit. Paulit-ulit lang.

Nakakasawa. Nakakapanghina. Hindi lang utak at puso mo ang nanghihina. Maging ang buo mong katawan.

Gaya lang ng nangyayari sakin. Isang linggo nang hindi maganda ang pakiramdam ko. Isang buwan na rin ata akong malinis (sa beer) hanggang naisipan ko ulit uminom kagabi. May mga bagay na pilit mo mang iwasan, bumabalik pa rin. Ang sakit, pilit mo mang kalimutan, bumabalik yan. Pesteng buhay diba? Pero ganun talaga siguro. Gusto ko mang mang-away ngayon, napapagod na ako. Gusto kong magmura, pero sabi ko nga pagod na pagod na ako. Gusto ko munang magpahinga lang kahit sandali. Napapagod din ako. Pagod na ako.

Sana nandito pa yung mga taong naging sandalan ko noon. Yung mga drinking buddies ko outside work. Yung tipong pag pagod ka na sa buhay mo, gagawa sila ng paraan para bumalik ka sa dating ulirat mo. Yung iba, nasa malayo. Yung isa, malayong malayo na talaga. Tanging sa mga alaala ko na lang siya makikita. Oh well. Ang hirap ng buhay diba?

(Sinulat ko 'to 5:32pm, April 22, 2012)

Thursday, April 19, 2012

Pop up

Bigla na lang itong sumulpot sa utak ko habang nagsusulat ng shoot shcedule:
(12:39am)

♪♫♪ WILL YOU EVER LEARN ♪♫♪
Typecast

So what's the point in all of this
When you will never change
The days have pass, The weather's changed
Should I be sorry Could I be sorry

I did it all, all for you
Hoping you would see
Your eyes are dull, your hands are clenched
Are we ready? Are we ready?

But you, you think about yourself
Only but yourself
But what about...

Un-lonely nights
Romantic moments
The love, the love
What about them?
Throw it all away
[ Lyrics from: http://www.lyricsmode.com/lyrics/t/typecast/will_you_ever_learn.html ]
You know me well, You know it's wrong
Then what is it you feel?
You hide behind those perfect smiles
It won't fool me, cause you already did

I did it all, all for you
Hoping you would see
Your eyes are dull, your hands are clenched
Are we ready? Are we ready?

But you, you think about yourself
Only but yourself
But what about...

Un-lonely nights
Romantic moments
The love, the love
What about them?
Throw it all away

The perfect dates
The sweetest kisses
The love, the love
What about them?
Throw it all away

So what's the point in all of this
When you will never change
The days have pass, The weather's changed
Should I be sorry Could I be sorry

Nunca Te Olvidare



May nakapagsabi sakin na makakarelate daw ako sa kantang 'to. Nung una, ang tanong na naglalaro sa isip ko, Bakit naman ako makakarelate sa kanta ng Mocha Girls? Duh! Pero sa bandang dulo nung kanta, nakarelate nga naman ako. Ouch. Nang nireplay ko pa, yung birthday nung guy eh 27 pa. Sakto. Buti na lang nasa opisina ako. Kung nasa boarding house ako paniguradong umiyak na naman ako nito. Oh well, minsan talaga, hindi mo inaasahang bumabalik ang mga alaala. *Teary-eyed.

Tuesday, April 17, 2012

Linger...

Were you lying all the time? Was it just a game to you? But I'm in so deep. You know I'm such a fool for you, you got me wrapped around your finger and do you have to let it linger? Do you have to, do you have to let it linger?

Were you happy all along? Na dalawa kaming tinatrap mo na mahulog sayo? Ano, trophy?! I dont even have to confirm if what you guys have is already official. Sapat na sa akin ang malaman kung paano mo kami, in a way, pinagsabay. Oh well, siguro nga hustler ka. It was so easy for you to say those words that are good to hear and la la la..

I need to wake up. Only I can save myself. Pero hindi rin naman kita dapat sisihin kasi I knew that you're just like that. You're a freakin malandi person. But I was sincerely happy during those times when we're together kaya hindi mo naman kasalanan. It wouldnt have happened if I didn't let you into my world.

Oh well, moving on.


Monday, April 16, 2012

Never the strangers

(Nainspire ako sa post ni Artemis, kaya heto...)

Paggising ko ng araw na 'yon bigla lang kitang naisip. Siguro mali para sa part ko na itago pa rin ang nararamdaman na 'to dahil sa totoo lang, hirap na hirap na ako. Hindi mo kasalanan kung bakit nasasaktan ako, hindi mo kasalanan kung bakit ganito ako...minahal lang siguro kita sa maling pagkakataon at sitwasyon. Oo, minahal kita at patuloy na minamahal.

Di ko alam kung kakayanin ko pa, pero isa ka sa mga dahilan sa kung anumang pinaplano ko ngayon. Di mo man ito alam (dahil insensitive ka nga), marahil di mo na ito maaari pang malaman. Ang bigat lang sa pakiramdam na hindi ko man lang masabi at pinipilit kong hindi iparamdam sa'yo ang lahat ng ito. Mahirap ang ideyang itago na lang ito pero sa tingin ko ito ang tamang gawin sa mga pagkakataong ito.

Alam kong siya ang gusto mo, alam kong siya ang tinitibok ng puso mo, alam kong nahihirapan ka rin, alam ko yun...dahil sensitive ako. Kung hindi man kita matulungan, 'yon ay maliban sa masasaktan lang ako, hindi mo alam na alam ko.

Maraming katanungang nabuo sa isip ko, pero di ko man lang 'yon matanong sa'yo. Sa tuwing magkakaroon ng pagkakataong magkausap tayo ang dami kong gustong sabihin sa'yo, may mga pagkakataon pa ngang parang puputok na ang puso ko dahil nandyan ka lang pero di ko pa masabi, yun bang tagong tago (alam mo yun?). Gusto pa kitang makilala ng lubos pero alam kong medyo private ka lang, pero you can count on me anytime.

Gayun pa man, napagdesisyunan kong patuloy pa kitang mamahalin...di ko muna bibigyan ng limitasyon ang aking sarili sa kung hanggang kailan kita dapat mahalin pero kung ihahaluntulad kita sa isang bisyo...unti-unti ko nang sisimulang kalimutan ang nararamdaman kong ito. Para sa'yo at lalo nang para sa akin.

Kung sabi ng Never the Strangers ay, "inch by inch we're moving closer," we're never the strangers anymore kaya masasabi kong we can still be closer but I must keep my feelings apart (yun na lang muna).

Though it's really hard, but I'm coping.

I wanna

Honestly, I wanna.

Insensitive


Bonsai


Habang pauwi ako kanina, iniisip ko kung bakit nga ba natin binibigyan ng deadline ang mga sarili natin sa kung hanggan kalian lang tayo pwede magkita at magusap personally o sa text man.

Gusto kita pero ayoko ng commitment kasi alam kong hindi kita dapat pagkatiwalaan at marami pang ibang bagay akong dapat isipin bago ko tuluyang tanggapin na gusto kita but I miserably miss you, evil.:(

Pero syempre, kasalanan ko naman kasi I let myself drown with this feeling. At kailangan kong tanggapin na kahit ikaw ang nagsimula, ako ang kailangang tumapos sa kung ano man ang mayroon tayo.

Ayon nga sa tulang Bonsai ni Edith Tiempo, scale all your love down to a cupped hand’s size para alam mo kung paano ito hahawakan at iko-control. Para hindi ka malula sa pagmamahal.

Mahirap, but I am coping.



Friday, April 13, 2012

Friday the 13th


Friday the 13th.
Hindi naman talaga ako naniniwalang may dulot na kamalasan ang araw na ito na pinaniniwalaan ng iba.

Hindi ko naman ito itinuturing na kamalasan pero sa pagkakataong ito, marahil may naidulot itong nakalulungkot na pangyayari sa aking pagkatao.

Yun bang alam mong may mali ka na, nilalaglag ka pa ng inaasahan mo sanang kahit papaano ay makakatulong sa'yo.

Yung feeling na ngarag ka na sa mga nangyayari, tapos biglang may iaabot sayong papel na medyo nakakadepress ang lamang sulat.

Yung feeling na pagkabasa mo eh nakadagdag pa yun sa pagkangarag mo? Yun bang bigla ka na lang natulala pero kailangan wag ipakitang balisa ka.

Yun bang, sa lahat ng mga nangyari may nagmamalinis at wala kang magawa.

Higit sa lahat, yun bang feeling mo nagiisa ka sa mundo sa pagkakataong nangyari ang lahat ng iyon at wala kang mapuntahan...nagkasabay sabay.

Higit pa roon, yun bang feeling mo nawalan na sila ng tiwala sa'yo at nakalubog na ang isa mong paa sa hukay.

Ang saklap lang.

Moving on and still coping...