Dumating na ba sa punto ng buhay mo na gustong-gusto mong umiyak pero hindi mo magawa? Yung tipong parang sasabog ka na, pinipilit mo nang lumuha o kaya naman pinapatugtog mo na ang pinakamalulungkot na kanta sa Earth pero wa epek pa rin? Kung hindi pa, maswerte ka. Ngayon ko lang narealize na mas OK pa pala na umiiyak kapag nasasaktan ka. Mas madaling nakakamove-on kung ganun.
Pero naisip ko, eto na kaya ang sinasabi nilang, nagiging manhid ka na kaya di ka nakakaiyak. Na sa dinami-rami ng masasakit na nangyari sa buhay mo eh naging bato ka na. Putragis na buhay 'to. Ang daming TARANTADONG tao sa mundo. Ang daming INSENSITIVE. Dito ko na lang ibubuhos ang lahat ng sama ng loob ko. Ito na ang huli. Pramis.
Babala: Masasakit ang mga susunod na mga pangungusap. Baka di mo kayanin. Pero dahil manhid ka nga, ayos lang ito sayo.
Hindi naman lihim sa'yo ang nararamdaman ko. Pero bakit hindi mo man lang sinabi agad na meron na? Nananadya ka ba talaga o nuknukan ka lang ng insensitive? Alam mo kung gaano kasakit yan. Alam na alam mo yan. Oo, wala kang responsibilidad na sabihin ang mga pangyayari sa lecheng buhay pag-ibig mo pero sana man lang nirespeto mo ang nararamdaman ko. Wala ka nga talagang BALLS. Sana hindi na ako nagmukhang tanga. Alam mo naman ang pakiramdam na nagmumukhang tanga diba? Gusto mo bang ipaalala ko sa'yo? Ayaw kitang makita. Ayaw na kitang makausap. Ayaw kitang makasama.
Sana lang hindi mo ulit maranasan ang masaktan. Sana hindi ka na ulit magmukhang tanga gaya ng ginawa sa'yo nung isang babae at ginawa mo rin sakin. Pakshet! Nagsisisi akong ikaw ang minahal ko. Nagsisisi akong sa'yo ko ipinagkatiwala ang puso ko na kahit konting pagpapahalaga wala man lang naibalik sa akin. Nagsisisi akong itinuon ko ang atensyon ko sa isang walang kwentang tao. Hindi ka nga agad umalis gaya ng ibang nakilala ko pero ngayon ko lang hinangad na sana, nawala ka na rin na parang bula.
Galit na galit ako. Pero sige lang. Magsisimula akong muli. Kung sakali man na mag-krus ang ating landas, sisiguraduhin kong wala na akong mararamdaman.
Paalam. Ciao. Goodbye.
June 22, 2012 Friday, 10:09pm
Jusko Tonto, magkita nga tayo. Sharing of thoughts and all. Relate na relate ako. Hahaha. Let's meet soon!! Kaya mo yan!
ReplyDeleteGusto na rin kitang makilala Artemis. Tanging sa Coping lang tayo nakakapag-usap. =) Kaya natin 'to!
ReplyDelete