Saturday, December 29, 2012

Memories...just in time...


I never thought I will hear this song again.

I used to listen to this back in grade school whenever I was alone at home. I felt very attached to this although I didn't understand the lyrics. This was track 12 in one of the tapes my mom brought home from Korea.

I lost the tape years back without knowing the meaning or even the title of this song.

But because of the recent Kdrama I've seen (Reply1997), I learned how to appreciate it even more. It all came back to me like a cold breeze in the night.

And now that I can understand Hangul, I realized why I love Memories by Sa Joon.:)


A day in the crowded universe.



I was reading an Eros Atalia, anxiously waiting at the smoking area of Starbucks Shangrila.

You finally came. I shook your hand. And I introduced myself like stranger.

Awkward.

You sat on the chair opposite mine. But I suggested that you sit on the chair in my left instead. Probably, I was trying to assure you that this is not a confrontation.

You didn't quite know what to say, so I broke the silence, "I heard you met somebody and that you're getting married now. Congratulations."

Your face seemed lost in my sarcasm for bit before I assured you it was just a joke.

You said you're sorry.

That you betrayed me.

I told you I didn't want to use the word "forgive."

Because it's too theological.

We talked for almost three hours at the smoking area of Starbucks Shangrila, where it felt like it was just the two of us.

But I knew right there, we're now just two specks in a crowded universe.

Tuesday, December 25, 2012

Adios 2012

Today, I'm already writing my year-end entry. Feeling ko kasi, ang mga dapat kalimutan, ay dapat nang kalimutan sa taon ding ito. Gusto kong pagsimula ng 2013, hindi na ako magsusulat tungkol sa mga nangyari sa 2012 ko.

Sinubok ako ng 2012. Sinubok ang aking tatag bilang tao, sa trabaho man o sa lablayp.

Trabaho. Napagod ako ng sobra sa taong ito. Yung tipong pakiramdam ko, tinambak na ng mundo ang lahat ng trabaho sakin. Bagay na ikinalungkot at ikinawala ng aking gana. Dumating sa puntong hindi na ako masaya sa trabaho kaya naman naisip ko nang magresign. Pero, hindi naman nangyari. Buti na lang. Dumating ang maraming blessings nitong patapos na ang taon. May mga pahabol na pag-ere. Pero may natutunan ako ngayong taon. Care less. Hindi ko papasanin ang mundo para lang sa trabaho. :)

Lablayp. Walang kamatayan 'to. Haha. Dito sinubukan ang aking pasensya, pagmamahal at pagkatao. Hindi ko na iisa-isahin ang mga nangyari. Sa mga sumusubaybay ng aking mga entry, malamang alam na nila kung ano ang nangyari. May mga natutunan ako ngayong taon na dapat mai-apply ko na sa susunod. Ika nga ni Pareng Ramon, there is more to life than love. Hindi dapat umikot ang ating mundo sa mga taong hindi tayo kayang mahalin. May mga tao tayong makikilala o kilala na dati na mas magbibigay satin ng pagpapahalaga, kung matututunan lang nating silang tingnan ng mabuti. May taong nakalaan para sa atin. Sa parte ko, akala ko natagpuan ko na pero hindi pa pala. Kaya looking forward ako sa 2013. Hehe. Anyway, kahit nasaktan tayo, dapat pa rin nating ipagpasalamat yun. Ito yung madalas kong sabihin sa sarili ko at ito rin ang linya kaya nakamove on ako. Siguro, ito ang paraan ni Papa God para hindi ako makasakit ng tao sa future. Palagay ko lang kasi, kung naging kami man, baka masaktan ko lang siya. Mas mabuti na lang na ako na ang masaktan ngayon kesa makita ko siyang nasasaktan sa mga darating na mga araw na magkasama kami. True love it might be but I really have to let this feeling go. Ang gusto ko lang ngayon, malaman kong masaya ka. Ayoko ng sagot na sakto lang. Gusto ko, darating ang panahon na pag tinanong kita kung masaya ka ba, ang isasagot mo ay oo. I really wish you true happiness and regularization (you-know-who-you-are).

Ngayong patapos na ang taon, iiwan ko na ang masasamang alaala nito. Pero dadalhin ko ang mga aral na natutunan ko. Salamat sa mga tunay kong kaibigan na hanggang ngayon, nanjan pa rin sa tabi ko (not literally). Kayo ang mga anghel sa lupa. Marami tayong gagawing alaala sa 2013.

Copers! Sana, mabawasan na ang sakit at pait sa 2013. Hehe!

Wednesday, December 19, 2012

random realizations


And when I heard you say you wish you didn't attend Lhet's debut party,
I realized how deep and how much I've hurt you to the core.

Deep enough to want me uprooted, deleted from your memory.
Enough for you to wish you never ever met and laid your eyes on me.
For you to regret everything.

That's when it hurt the most.
Because I proved you did love me that much.
But at the same time, it hit me that I can never ever have you again.
And I knew, yes, I knew deep down, I should let you go.

Monday, December 17, 2012

Oh Em Geeee!

Hindi pa man 2013, may patikim nang kilig si Papa God sakin. Nangyari ang lahat sa Christmas Party. Ambilis lang ng happenings!

Dahil sa lasing na host, lasing na boss, makulit na manager at cool na mga katrabaho, napadpad ako sa stage kasama si Mr. Engineer (eto yung matagal ko nang "pinagnanasaan"). Charot. Napilitan din siyang hawakan ang mic at magbigay ng special Christmas message para sakin live via satellite! Oooohhh yeaahhh!! Siyempre di ako nagpahalatang kinikilig (kahit hanggang tenga ngiti ko). Dapat sasayaw pa kami pero dahil hindi raw siya marunong, di na natuloy. Anyway, akala ko dun na magtatapos ang lahat. Hindi pa pala.

Dahil ulit sa lasing na boss, bigla niyang tinawag si Mr. Engineer at pinaupo sa tabi ko. So wala siyang nagawa kundi sumunod. Nag-usap kami. As in usap. Ilang inches lang ang layo namin sa isa't isa. Waaaaaa! Infeyrness, hindi siya boring kausap. Pinag-usapan namin ang trabaho, high school at college life at pinakialaman ko na rin ang construction ng aming station na siya ang may hawak.

Inabot kami ng 2:30 ng madaling araw. Natapos ang aming pag-uusap sa simpleng hand shake. Hindi ko alam kung kelan ko ulit makikita ang kayang napakagandang smile pero babaunin ko ang moment na yun. Aaayyyii!

Papa God, you're the best! Thank you! Mwwwwaaahhh!

Sunday, December 16, 2012

Kupal

Para kay Labanos.
 
Kulang ang lahat ng pagsisikap ng isang tao sa lahat ng aspeto para sa mga taong hindi karapatdapat makatanggap nito. Ang saklap lang na napunta tayo sa mundong may mga taong gustong magpaikot ng kapwa nila sa kanilang mga palad. Mas masaklap dahil ang kamalian ng iba ang kanilang hinahanap at idinidiin nang hindi muna tumitingin sa salamin para tingnan ang mas madumi nilang repleksyon. Ngunit sino ba naman ako para maghusga sa katunayang isa rin akong hindi perpektong tao? Alam ko ring isa akong biktima at salarin na rin ng makamundong pag-uugali.

Gayunpaman, Labanos, patuloy kang sumibol at patunayan sa kanilang mali sila. Kung magkataong manaig ang kawalang hustisya, nandito kami para tumulong at ipagtanggol ka.

Hindi ba't kaya tinawag kang Labanos para ipakita na maiitim nilang budhi kumpara iyong busilak na at malinis na puso katulad ng maputi at malinis na labanos?

(Para sa isang kaibigan at katrabahong pinagkaisahan ng mga bakulaw, na napagod na sigurong ipagtanggol ang sarili dahil una pa lang ay inalisan na ng karapatang pagkatiwalaan. Para sa lahat ng mga "gulay" kong kaibigan na sina Kerrot, Talong, Okra at Patola na patuloy na titindig at ipagtatanggol ang isa't isa hangga't maaari at hangga't nasa tama.)

Tuesday, December 11, 2012

Quota Ka Na!!!!

I was caught off guard by your words. Sadly, I wasn't expecting you to say that. Sakin pa? Sino ba ang aloof these past few days? I was really trying to bring back our friendship pero parang ayaw mo na. Suko na ako sayo, teh! You've hurt me BIG time.