Monday, February 27, 2012

Please...

The song is sad but everytime i listen to it, it makes me smile. Knowing that you can sing this pretty well. Can you sing for me every night??? ^__^

Sunday, February 26, 2012

Return to Pooh Corner

I'm falling in love with this song because of you. And by the way, I like your version so much better =)


Friday, February 24, 2012

Sabawan


Marahil sa mga oras na ito ay nahihimbing na ang karamihan. Pero ako, kami, heto, gising pa. Tumitipa sa keyboard ng kompyuter na ito. Di ko alam kung saan hahantong ang pagpindot sa mga buton. Di ko rin alam kung anong ideyang naiisip ko. Basta. Gusto ko lang magsulat.

Noong Biyernes nabigyan na agad ako ng istoryang gagawin para sa susunod na episode. Sabado hanggang Lunes nasa ibang probinsya ang aking prodyuser para sa nasabing kwento. Pakiramdam ko ang luwag luwag ko, ang luwag luwag ng takbo ng istorya. Lunes pa lang tapos na kami maliban sa iba pang materyales na susuporta sa kwento. Iyon lang at marahil tapos na. Simpleng requirement na lang sdin ang hiningi nila para sa stylize.

At 'yon na nga. Akala ko matatapos na kami ng maaga at makakapagpahinga. Ngunit nakipagsabayan pa rin kami sa ibang istoryang mas problemado kaysa sa amin. Ang simple lang naman pero bakit nasasabaw ako? Lutang lang? Stressed? Di nga masyado eh. Pero bakit ganun?

Kaya heto, Sabado na ng madaling araw, eere na mamaya ang istorya, may ihahabol pa na shoot.

Buti na lang mabait ang prodyuser ko.

All is Well

Nasabi sakin na gusto mo raw akong makilala Artemis. Excited na rin akong makilala ka. Pero parang aatras na ako sa inuman. Kasabay kasi ng unti-unti kong paglitaw sa kumunoy ng pag-ibig eh ang unti-unti ko ring pag-alis sa bisyong yun. Bawal na rin kasi sa singing voice ko. Alalahanin ang voice lesson, sayang naman ang bayad diba?

Anyway, sabi mo raw eh parang may pinaghuhugutan ang mga entries ko dito. Well, meron naman talaga. Hindi naman ako magsusulat kung wala. =)

Sa totoo lang napapagod na rin ako sa purong ampalayang mga entries ko. Nakakasawa. Nakakapagod. Gaya rin yan ng pagmamahal. Napapagod din at nasasawa tayo lalo na kung tayo lang siguro ang nagmamahal. At pag napagod na ang puso, paniguradong hindi na nito hahayaang masaktan muli ng parehong taong nanakit.

Hindi ko sinasabing magiging bato na ako forever. Narealize ko lang na hindi na ako papayag na masaktan ulit ng mga taong nanakit sakin. Darating ang panahong ako'y iiyak muli pero sinisiguro kong, sa ibang tao naman. Huwag nating hayaang paulit-ulit tayong saktan. Pero wag din nating hayaang maging rason ito para di tayo magmahal ng iba. (Parang paikot-ikot lang ako ah)

Nitong mga nakaraang linggo eh masaya ako. Aaminin kong ang mismong taong nagpapasaya sa akin ay siya rin yung nakasakit sakin. Pero matagal ko na rin siyang pinatawad. Masaya akong muli kaming nag-uusap ngayon despite ng mga nangyari. Mas masaya pa nga ngayon. No expectations so, no pain. Kung saan man kami siguro dalhin ng kapalaran eh bahala na. Wag na lang pangunahan ang mga bagay-bagay. Yun siguro ang isa sa mga natutunan ko. Ay may isa pa pala. Maniwala tayo sa sinasabi ng simbahan na, "Leave everything to God". Naiiyak ako sa post na 'to hindi dahil sa sama ng loob kundi sa saya. Natutuwa ako sa sarili ko. Ang laki na ng pinagbago ng pananaw ko sa pag-ibig.

Dahil sa mga natutunan ko, alam kong magiging karapat-dapat na ako sa lalaking darating. Alam ko kung paano masaktan kaya ayokong manakit.

Gusto ko lang ishare to mula sa aking pare na si Paulo Coelho:

"Those wounded in love, unlike those wounded in armed conflict, are neither victims nor torturers. They chose something that is part of life, and so they have to accept both the agony and the ecstasy of their choice.
And those who have never been wounded in love will never be able to say: “I have lived”. Because they haven’t.
"

Wednesday, February 22, 2012

OA na yan


Alam mo hindi talaga mawawala yung mga taong OA sa earth. Yung tipong naiintindihan mo naman na stressed at worried sila sa trabaho pero kailangan ba talaga nilang isigaw at ipakita yun sa buong mundo? Yun bang akala nila sila lang ang namomroblema at dapat mo silang tulungan sa abot ng iyong makakaya? Or pinararamdam nila sa 'yo na nahihirapan sya dahil sa kulang ang mga requirements na naibibigay mo sa kanya? Wag ganun pre, OA na yan. Lagi mo nalang pinipilit na hindi maganda ang takbo ng storya mo. Wag ka masyado mareklamo. Oo may kulang na binibigay yung subordinate mo pero hindi naman kailangan na mas palalain ang sitwasyon sa mga kwento mo. Isip nalang kaya ng paraan kung paano masosolusyonan ang problema? Hindi ko alam ha. O baka lang hindi ko lang din maintindihan to sa ngayon kasi wala pa ako sa ganyang posisyon? Haaay.

Sunday, February 19, 2012

I quit.


I decided to quit smoking. Because it's bad for my singing voice and might ruin my singing career. Chos.

The realization came when I went onstage to sing in a bar along Timog Ave. 'Di naman sumabit, pero mahirap nang abutin ang high notes. Kaya ititigil ko na.

Baka malaos ako agad, na hindi mangyayari kasi hindi pa naman ako sikat. XD

Saturday, February 18, 2012

Behind the RAIN...It's not you


(3rd Installation..hehehe)

It was raining, same incident when I first saw you vaguely.

This time, I saw someone else's face behind the window where I first saw you.

Still, it's unclear...blurred.

Let me take a second look...

Friday, February 17, 2012

Voice Lesson



Marami ang nagtatanong sa akin kung bakit nga ba ako nagvovoice lesson. Ano ngayon sainyo? Joke. Sa totoo lang, trip ko lang talaga. Nagsisimula naman sa trip ang lahat diba? Dumating lang siguro sa punto sa buhay ko na naghahanap ako ng mapaglilibangan. Para maiba naman. Pantanggal stress lang. Stress sa trabaho, stress sa lablayp-na-wala-naman. I want something interesting to look forward to para kahit papano magkaroon naman ng konting kulay ang buhay ko. Na every weekend ay may gagawin ka naman para sa sarili mo. Hindi puro ibang tao na lang.

Sapat na siguro yun na rason para mag-aral akong kumanta. May nakapagsabi sakin na hindi raw dapat ganun pero pinaninindigan ko ang desisyon at sagot ko satuwing may nagtatanong sakin. Gusto ko rin namang matuto para sa sarili ko.

Hindi ko 'to naranasan nung bata ako. Hindi pa naman siguro huli para sa ganito diba? Mali lang siguro ang nangyari noong Enero kung kelan nagdesisyon akong mag-enroll dito pero sabi nga, lahat ng nangyayari sa buhay natin,masama man o maganda ay may dahilan. Nagpapasalamat na rin ako at nangyari ang mga nangyari.

Sya nga pala, pinag-aaralan ko pa rin sa ngayon ang "proper breathing".

As always?

Alam mo yung feeling na everytime na lang na may ganoong instance eh sa'yo talaga natataon?

Yun bang nangyari na 'to sa'yo dati pero di ka pa rin maka-get over agad-agad?

Yun bang na-trauma ka na dati, at sa paulit-ulit na nangyayari ito sa'yo itatanong mo kung dapat bang paulit-ulit ka rin ma-trauma?

Yun bang matatanong mo na lang sa sarili mong...Bakit sa'kin na naman? Ako na naman?

Yun bang pakiramdam mong gusto mo na lang lumubog sa hiya sa mga taong naaapektuhan?

Yun bang sasabihin mo sa sarili mong, "Hindi ka na natuto."

Yun bang magra-rant ka na lang ng magra-rant pero wala ring mangyayari?

Wala lang...gusto ko lang i-post.

Sana maging maayos ang lahat.

Thursday, February 16, 2012

Quicksand


*dahil hindi ko alam kung ano ang tamang spelling ng tagalog for quicksand, quicksand nalang. :)


Nakaranas ka na bang malubog sa quicksand? Yung sa tuwing pinipiliit mong makatakas ay lalo kang lumulubog? At kung wala ka namang gagawin ay patuloy ka rin namang hahatakin pababa

Loyalty and Faithfulness

One of my workmates asked me if there’s a difference between the two. I answered, “They’re synonymous, I think.” However, he said that he’s a loyal person but not a faithful one. I suddenly realized, could that be even possible? Could a person be loyal without being faithful? May pagkakaiba nga ba talaga o sadyang ginagawan nalang ng kaibahan upang makibagay sa karaniwang sitwasyon sa lipunan?

Monday, February 13, 2012

Need to know more

How are you so sure of things before you get into it?

Before you commit to someone for something, are you ready for its consequences?

And, are you really that sure in committing yourself to someone for something?

Things happened for these past few days; about me, my work, my friends. All involving COMMITMENT.

For all of these, I realized that I know the meaning of COMMITMENT a little.

Anyhow, HAPPY VALENTINE'S DAY coping club! ♥♥♥

Sunday, February 12, 2012

Walang Kwentang Post

Makulimlim ang paligid dulot ng LPA. Dapat nasa labas ako ngayon nagtatrabaho.

Pero hindi. Dinapuan ako ng lagnat kaninang madaling araw. Pinagmamalaki ko pa naman kahapon na hindi ako basta-bastang dinadapuan ng sakit.

Nakakulong ako ngayon sa kwarto habang ang tugtog sa radyo ay Stay the Same ni Joey Mckintyre (tama ba spelling??).

Wala akong magawa. Wala akong maisip. Wala ring kwenta ang post na to.

Ano kaya ang mangyayari sa mga susunod na araw? Diyos lang nakakaalam.

Thursday, February 9, 2012

Sakto

Yung feeling na hindi ka malungkot, pero di ka rin masaya.

Sakto lang.

Wednesday, February 8, 2012

When it rains, it pours

I never thought of feeling this.
















I'll decide before the sixth month ends.

Monday, February 6, 2012

Nakatanga


Mag-move on ka na kasi. O kaya aminin mo na sa kanya para makahinga ka na ng maluwag kahit papaano. Kahit hindi mo man kasi sabihin sa'kin alam kong nahihirapan ka. Eh mas lalo naman ako.

Sad thing is...

Di ko maintindihan ba't ako masyadong apektado sa sitwasyong wala naman akong pinanghahawakan, at walang panghahawakan.

*sigh

How can I catch you when you're not even falling in the first place?

Sunday, February 5, 2012

Somewon Loyk You

Alam kong gasgas na ang kantang ito dahil sa kasikatan. Pero ngayon ko pa lang siya talagang nagustuhan. Hooked ako. Gusto ko rin ang version na ito. Wala lang.

Saturday, February 4, 2012

Freedom

Natutuwa naman ako sa sarili ko. Isang malaking HINDI ang sinagot ko nang tanungin mo ko kung namimiss kita. Totoo yun. Paulit-ulit ang tanong, paulit-ulit din ang hinding sagot. Sumagi ka lang sa isip ko, unli ako, kaya tinawagan kita. Yun lang siguro yung tipong kumustahan. Marahil gusto ko lang malaman kung ako ba namimiss mo. Ang tono mo ay parang tono ko rin. Blangko. Sakto.

Maliban sa pagpapalaya ko sa'yo, taas noo kong masasabi na pinalaya ko na rin ang sarili ko sa nararamdaman ko sa'yo.

PS: Kung mangingibang bayan ka nga, padalhan mo ako ng lotion at mga sabon.

Hahahahaha!

Friday, February 3, 2012

This ain't funny

Nagseselos ako nang basta-basta lang. Anuba???
I'm scared.

A Confiar...

Matagal na siyang may kinikimkim na sekreto. Mula nang bata siya, alam niyang kapag nalaman ito ng mga taong nasa paligid niya ay panghuhusga ang matatamo niya kundi man awa. Awa na hindi niya kailangan kundi panguunawa.

Habang lumalaki at nagkakaisip siya ay bitbit pa rin niya ang pinakatatago niyang sekreto. Sekretong hindi pa rin niya alam kung paano sasabihin sa taong pwedeng mapagkatiwalaan; dahil wala pa siyang natatagpuang siguradong pagkakatiwalaan.

Habang lumalaki ay nakikilala niya ang kanyang sarili, ngunit di tuluyang makaalis sa kahapong patuloy na bumabagabag sa kanya. Habang lumalaki ay patuloy itong gumugulo sa isip niya. May kulang pa rin sa kaniya.

Sa pagdaan ng mga panahon nagkaroon siya ng mga kaibigan, mga kaibigang kanya nang pinagkakatiwalaan. Ngunit kailangan niya naman ngayon ng lakas ng loob para ibahagi ang kanyang sekreto at simulang mabuo ang kanyang sarili.

Hindi niya inisip na dadalhin niya ito hanggang libing. Ngunit mahirap...mahirap magtiwala.

Alam mo yun???

"I'm trying not to think about you so can you just let me be..."


Alam mo yun?? Pero sa twing magtetext sya sayo hindi mo mapigilan yung sarili mo na magreply?? How engot. 

Pebrero

Buwan ng mga Puso. Mahal na mga rosas. Cute na teddy bears. Sweet na cards.

Irita. Bakit ba kasi may ganitong buwan pa. Nagiging espesyal lang naman ang buwan na 'to kasi birthday ni Kim Kimero eh. Kung hindi niya birthday month 'to, hay naku, walang kwenta siguro 'to. Wag na'tong isama ssa kalendaryo.

Hindi ako bitter. Hindi ko lang talaga siguro makuha kung bakit sa buwan na 'to, ang daming pacute. Kabi-kabila ang magkaholding hands! Nakanaman! Pagkatapos ng Feb. 14, ano na? Away na ulit?

Tigilan na nga ang pagpapapanggap. Wala rin naman itong kwenta kung hindi mo naman maipapadama ang pagmamahal mo sa isang tao araw-araw. Yun naman kasi ang importante.

Sabihin na ng tao na bitter ako. Sabihin na nilang marahil ganito ako magsalita kasi wala pa akong "alam niyo na". Ewan ko. Mananatili pa rin sa aking misteryo ang Pebrero.

Thursday, February 2, 2012

Maglalakad ulit pauwi.

Hindi perpektong araw sa hindi perpektong buhay ng isang hindi perpektong tao.

Wednesday, February 1, 2012

That heart wonders


One day, I woke up accepting the feelings that I have for you. I just realized that it might be easier for me if I accept it. It will just fade when time comes anyway.

Problem is, the longer I see you and talk to you about things we enjoy together…that feeling gets deeper and I don’t know what to do. I’m lost.

Everyday I wanna see you. Smell you. Talk to you. Hold you. But, of course, you’re not mine; even before you were never mine. And I think, you will never be mine. It’s just so hard to resist you.

And now, I am wondering whether I should continue this. Naguguluhan na ako kung dapat pa ba akong maniwala sa nararamdaman ko, o dapat na kitang pakawalan. Wala naman na akong pag-asa, aminado naman ako dun. Sa'yo pa?

I wanna be born again; when that time comes, I will look for you and tell you what I feel for you. I will shout it out loud! Just give me a hand.

More than 40 kinds of sadness

Hindi ko pa rin nalilimutan ang bawat detalye nang araw na iyon. Kung ano ang suot ko, kung paano ako nagpabalik-balik sa cashier at pharmacy para bilhin ang mga kinakailangan gamot at kung paano ako umiyak sa nurse na asikasuhin ka dahil pakiramdam ko nahihirapan ka.

Bakasyon ko sa eskwela nang mga panahon na iyon. Sinabi sa akin na may sakit ka raw ngunit hindi ko naman inisip na ganoon iyon ka-seryoso. Ang alam lang kasi namin, nagkaroon ka ng Hepatitis. Hindi ko naman akalain na aabot tayo sa dialysis at sa kung anu-ano pang paraan upang gumaling ka. Hindi ko talaga alam. At hanggang ngayon, kahit mag-aapat na taon na, hindi pa rin ako makapaniwala na nangyari ang lahat ng ganoong kabilis.

Ang pinakapanalo sa lahat, noong araw na iyon, ako ang kasama nyo. Umalis tayo ng bahay ng madaling araw upang magtungo sa ospital. Sumusuka ka ng dugo. Natataranta ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko habang kinakatok ko ang gate ng kapitbahay upang maihatid tayo sa ospital. Napaiyak ako noon—unang beses mula nang magkasakit ka.

Nakita kong nanghihina ka ngunit hindi mo ipinahahalata. Naaalala ko pa ng malinaw kung paano mo kami tinatanong ng, “Bakit, anong nangyayari?”

Nakarating tayo ng ospital ng maayos. Akala ko sinumpong ka lang ng sakit mo dahil pagdating natin ng ospital, maayos na ang pakiramdam mo.

Nanatili tayo sa ospital sa mga susunod na oras. Nakikipagkwentuhan ka pa sa amin. Kahit ikaw yung may sakit, ipinaaalala mo sa amin na kumain muna kami.

Hanggang sa nagpa-schedule na tayo ulit ng dialysis mo. Apat na oras kaming naghihintay at nagbabantay. Ang sabi mo hindi masakit ang dialysis. Pero sabi ng lahat ng kasabay mo, mahirap daw. Naiinis ako kasi hindi mo sinasabi sa amin ang totoo. Naiinis ako kasi akala ko hindi naman seryoso.

Hanggang sa dumating ang mga anak mo, mga kapatid, at iba pang kamag-anak. Lahat sila nag-aalala sayo.

Kinabahan ako bigla. Nag-uusap usap ang mga doktor na dapat ka nang lagyan ng tubo para sa endoscopy. Ayaw pumayag ng asawa mo dahil sobrang sakit nun. Habang ako, hindi ko maintindihan ng lubos ang lahat ng nangyayari. Hanggang sa bigla kang napapikit.

Nagulat kami. Nagpanic ang mga doktor. Kinabitan ka ng defibrillator. Gusto kong suntukin yung nurse na nakatingin lang sayo. Gusto ko syang awayin at ilabas ng kwartong iyon dahil hindi sya nakakatulong.

Ang sabi nila, naririnig mo pa kami…kahit wala ka nang heartbeat. Ang sabi nila pwede ka pang kausapin. Ang sabi nila tanggapin na namin. Sinabi ng doktor, “time of death: 10:58PM.”

Pero ang tanging naibulong ko sayo, “Pa, diba, gagaling ka pa?” 

LUST AND LOVE


Lust and love are two different things. One must fully understand the discrepancy because it’s freaking hard if you take one for the other.

It started from a simple lambing one Wednesday night. You asked me out and I agreed. I didn’t actually want to hang out with you (because I seriously know how dangerous it can get) but because I got tired of your persistent requests, I finally gave in.

We picked the table at the corner. You sat across me. You were full of questions that I actually wanted seal your mouth with a tape. You see, I’m not comfortable sharing others personal things. But fortunately, after one pitcher, you started telling me stories about your work. I honestly find you attractive but everytime I hear negative stories about you, your 100% pogi points immediately drop by 20 because I know that they’re telling the truth. And now, I’m not sure if you’re down to 0 or even reached the negative level.

Hours passed. I also started talking after two pitchers. Then you transferred beside me. We talked. Then, if I remember it correctly, I touched your knees. Hours later, we laughed together then you bit my right shoulder.

I got drunk. You helped me compose myself then we part ways.

But things didn’t end there…