Saturday, April 30, 2011

Judas

We're all Judas at one point--a part of life's destiny but falls casualty to being misunderstood.

Thursday, April 28, 2011

What was I thinking?

The ex messaged me on Facebook about professional matters since we are affiliated to the same organization. Due to a sudden surge of emotions, I sent her a "friend request." Stupid! Stupid! Stupid! Arrrgh!

After banging my head on the wall rethinking, I canceled the friend request before she accepts it. Why did I even think she would accept it? I quickly thought, I wouldn't want to read what's on her wall every now and then. Nor someday check out her changed relationship status when she and my "friend" finally announce their affair.

For now it's good. We're neither enemies nor friends.

Wednesday, April 27, 2011

bridge

Nalaman ko sa isang bagong kaibigan na may listahan pala ang kapatid mo kung sino ang dapat mong i-unfriend. Kung kailan makakalimutan ko na ang ginawa mo may nalaman na naman ako. Nakakalungkot lang talaga. Sinunod mo naman siya kahit naniniwala akong labag yun sa kalooban ko. Blood is thicker than water ika nga. Sabi pa raw babalik ka dito. Hindi imposibleng magkikita tayo. Paano kaya kita haharapin? Mag-eexplain ka kaya bakit mo yun ginawa? Bahala na! I will just cross the bridge when i get there.

Thursday, April 21, 2011

Won't let this happen again

I should ignore this feeling. Hindi na tama. Ako lang naman ang nahihirapan, hindi naman niya alam.

I know in the first place na hindi ko na 'to dapat naramdaman pa. Pasensya ka na aking puso, palagi kitang pinipigilan at hinahayaang masaktan. Maraming beses na, paulit ulit na lang. Hindi ko sinasadya.

Sisiguraduhin kong sa susunod na tumibok ka ulit, sa tamang tao na at sa tamang panahon kung kailan hindi na kita kailangan pang pigilan pa.

Wednesday, April 20, 2011

Instead of Unfriend-ing...

Photobucket

I was reading my FB newsfeed, and someone posted something. I have always wanted to unfriend that person but thought it would be so rude of me, especially because I know the feeling (believe me!) I realized that instead of unfriending someone you don't want to know anything about, or atleast their little random personal updates, you can just hide all their posts by clicking the X option at the upper right corner of their post. It is a win-win situation. You won't hurt their feeling because they won't know, and their posts won't affect you anymore because you won't know either.:)

Sunday, April 17, 2011

Usad-pagong

Sabi nila ang love daw parang ipis lang. kala mo patay na, yun pala buhay pa. parang ikaw. parang tayo. pagkatapos kong maghirap umusad, walang ka-effort effort mo akong hinahatak pabalik sayo. at sa halip na matuwa ako, pakiramdam ko kelangan ko pang mamroblema at mag-isip nang mag-isip nang mag-isip. sana di ka nalang bumalik e. hay.

/sumasakit bangs ko sayo.

Friday, April 15, 2011

My heart skipped for a second, i slowed down.

I took a deep breath. I heard you call my name. My reflexes were to look back and smile, only to find out that you we're actually calling the person behind me whose name nearly resembles mine. I felt the heat on my cheeks. My palms sweat. I hope I did not blush.

I know you saw it. The eagerness to look at you, the impulsive smile, and how it turned blank after the truth dawned on me. You saw how my face turned red, you and your sardonic smile effortlessly sentenced my pride.

You said I am a clairvoyant. I guess you're right. Because at that very moment, I am sure of what you were thinking. That after almost a year and a half, I am still the pathetic girl you left behind, you wanted to grow up, you wished to explore the world, you hoped to find new things and meet new people, and all the while, i thought that you included me on your plans, but fate proved me wrong.

I don't want to sound distressed nor to look wretched after you left me, but God knows how long I lamented on what had happened.

You saw my smile, if you only knew it was genuine. That there's no trace of resentment directed towards you. It was as if we're still walking on the same ground, hand in hand. Happy, contented, assured.

You're not the same anymore. You've reached your dreams and I can sense that you're still making your way, there are more and bigger opportunities yet to come. You have made it and I am happy for you.

Lost objects do have the tendency to stay lost, only to turn up months after you have given up looking, and have forgotten all about it.

True.

Thursday, April 14, 2011

A blow job

This is a blow job. Because it is a job that sucks.

Not to be ungrateful to my current source of living, but I just miss writing for the newspaper. I miss the rewarding feeling of a published story that carries an impact to the lives of many. I miss visiting islands, climbing hills, wading rivers for a story to be told. I miss talking to interesting characters--celebrities or commoners alike.

In my world now, I squeeze my brain to accomplish paperworks for a day and at the end of it nobody cares so much, because I'm paid anyway. I would find myself wandering after office hours, hosting a radio show, ghostwriting for the lazy, and meeting my newfound friends--probably in search for that satisfaction and meaning that I have been groping for.

I am paid. They bought me for a price. I was offered this job, I didn't even look for it. And I know there are throngs of people out there dying to land a job, but I am just starting to give up!

Because I feel insulted. This job has bought my ideas, my talent, my vision, my time, my influence when I could have used them more powerfully and not just for the interest of the few.

I wouldn't want to be a few digits richer and feel like I've lost my mind and my entire life altogether.

I am absent from work today, because I am sick. I really am sick.

swerte

Mukhang maswerte din sa akin ang araw na to tulad mo Kim. Kahit napuyat ako kagabi, ayos lang. Narinig ng buong Pilipinas (yung mga maaga lang gumising at masipag pumindot ng remote control) ang boses at pangalan ko. Hindi ko man nakita ang kabuuan, may nagtext pa rin sa akin na mangilan-ngilan. Congratulations sabi ng isa, proud daw siya na kilala niya ako. Naks! Ang sabi naman ni Gagged, ako na! Tanong niya pa ano kaya yung na feel ni ms. kulot nung makita/marinig niya ako? Magkasunod pala kaming umere kanina. Well, sabi ni Gagged, mas magaling daw ako. Hindi ko alam kung dahil close lang talaga kami kaya sinabi niya yun. Pero ang point, sinabi niya pa rin. Napatanong din ako. Ano kaya nafeel niya? Baka deadma lang din. Kasi kung nakita ko din ang pag-ere niya, deadma lang din ako, tulad niya.

Dear Rix,

Gagged!

1000 pesos sa overpass...


Habang paakyat, sinasabi ko sa sarili ko na hindi na magbabago ang pananampalataya ko sa Diyos. Nang maabot ko ang tuktok, naagaw ang atensyon ko ng nagyeyellow na papel na nakahiga sa sementadong sahig. Tila kumakaway at gustong papulot. Dahil easy to get ako, pinulot ko naman. Paglingon ko, tila tinawag ako ng kapatid nyang nakasimangot, at gustong papulot din. Siyempre, ginawa ko naman.

Tumakbo ang isip at ang mga paa ko sa lalaking kabababa palang. Nilapitan ko sya at tinanong kung may nahulog s'yang pera.

Ako: May nahulog ka po bang pera? (sabi ko nga yun ang tinanong ko di ba? haha)

Dali-daling kinuha ni kuya ang wallet nya at tiningnan kung may nawala nga s'ya. Kinapa niya ang kanyang bulsa at tinanong din ako, "magkano ba?"

Sa likod ng utak ko sinagot ko s'ya ng "ba't ko sasabihin, kung sayo 'to dapat alam mo."

Tila narinig nya ang sinabi ko, at mabuti naman at ganun.

"Wala naman akong nawala," sabi niya.

Hindi ko alam kung nagpasalamat ako sa pagkausap ko sa kanya, pero umakyat na ulit ako sa overpass para ipagpatuloy ang aking naunsyaming pagtawid.

Wala akong nakitang street child o malapit na charity kaya ipinasok ko na lang sa bag ang dalawang nakasimangot na papel.

Hulog kaya iyon ng langit, o masama ba akong tao?

Kung ikaw may napulot na sanlibo, ano ang gagawin mo?


Wednesday, April 13, 2011

Pano ba?

Sabi nila, hindi magagamot ng pagdeactivate ng account sa facebook o ang pagpalit ng number ang sakit na tinatago mo. hindi rin ito matatapalan ng bagong taong magbibigay sayo ng sobra sobrang atensyon. lalong lalo nang hindi ito kayang gamutin sa isang tulugan. tipong sa paggising mo e wala na lahat. masaya ka na ulit. walang magagawa ang araw-araw na pag-inom. sakit sa bato lang ang makukuha mo.

Alam ko ang lahat ng 'yon, pero paulit-ulit ko pa ring ginagawa. dahil sa totoo lang, hindi ko na alam ang pinakepektibong paraan para bukas di na kita maalala.

Dear Gagged

Sa totoo lang ipinanganak yata akong chismosa laging curious sa mga bagay-bagay. libangan kong pagtagpi-tagpiin ng mga maliliit na istorya. at dahil hindi kita personal na kilala, kating kati akong alamin kung sino ang mga tinutukoy mo sa posts mo. inaamin ko, nastalk na rin kita sa facebook. pero malungkot akong hindi yata nagtagumpay ang aking stalking skills. ay mali, itinuturing ko 'yong talent. haha. pakiramdam ko masyadong interesante ang istorya ng buhay mo, lalo ng ng past mo; ang babaeng nasa billboard na mas gustong katabi si Iya sa litrato. at ang pinag-alayan mo ng litratong bato jan sa ibaba.

Ayoko na nga magstalk. hindi ko na rin bubulatlatin ang kwento ng buhay mo. napahiya ako ng konti e. konti lang naman. hahaha. pero nakakatuwa ring isipin na dahil sa blog na to e may nakikilala akong ibang tao (although hindi pa personally) at natututo ako ng maraming bagay. solomot.

PS: curios na curious pa rin ako, praaaaamis. =))

Tuesday, April 12, 2011

Akala


Nabanggit ng kapwa ko manunulat sa blog na ito ang hula nia sa aking pagkatao. Natawa ako nang mapagkamalaan niya ako for someone else. Pero yun na din yung hinala ko na iisipin niya. Sinabi ko nga kay Andrew na most probably ganun ang conclusion ni Rix. =) Masaya ako na hanggang ngayon misteryoso pa rin ang katauhan ko. Enjoy talaga ako sa nagagawa ng blog na ito, hindi lang sa mga nagbabasa kundi pati na rin sa mga sumusulat.

Btw, wala na akong photo nung nasa billboard sa FB ko. Bitter kasi ako.. haha..

Tsaka, wala ata sa job description ng akala niang tao ang maglayout ng dyaryo =)

Saturday, April 9, 2011

as in.. duhhh!


akala mo mapapaniwala mo ako niyan? nakakatawa ka. pinapaniwala mo ang ibang tao sa maganda mo kunong ugali. gustong mong mangyari sayo ang nangyari sa kaawa-awang pusa? kaso malaki ata ang gagamitin kong plastic container! pero kung naawa ako sa pusa sayo hindi. ang lakas na talaga ng loob mo. waaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!!!! naiinis ako!!!!!!!!!!!!!!!!

Wednesday, April 6, 2011

And so

my contemporaries are getting hitched? Baka bored lang sila. Or baka buntis. Or baka olats ang career life. Or baka...wala lang talang nagmamahal sa akin.

:'(

All We'd Ever Need lyrics

Boy it's been all this time
And I can't get you off my mind
And nobody knows it but me

I stare at your photograph
Still sleep in the shirt you left
And nobody knows it but me

Everyday I wipe my tears away
So many nights I've prayed for you to say

[Chorus]
I should've been chasing you
I should've been trying to prove
That you were all that mattered to me
I should've said all the things that I kept inside of me
And maybe I could've made you believe
That what we had was all we'd ever need

My friends think I'm moving on
But the truth is I'm not that strong
And nobody knows it but me

And I've kept all the words you said
In a box underneath my bed
And nobody knows it but me

But if you're happy I'll get through somehow
But the truth is that I've been screaming out

[Repeat Chorus]

I should've been chasing you
You should've been trying to prove
That you were all that mattered to me
Oh you should've said all the things
That I kept inside of me
And maybe you could've made me believe
That what we had girl
Oh that what we had, what we had
It was all we'd ever need
It was all we'd ever need

Sunday, April 3, 2011

gagged!

Summer of 2011 na (OMG!)


Summer na. Naiinggit ako sa mga estudyante, kasi sila bakasyon na. Iba ang pakiramdam na maging pansamantalang maging malaya sa mga gawaing tinuturing mong pasanin. Masayang alam mong pagkakataon mo nang gawin ang mga nais mong gawin sa sarili mong pamamaraan. Naglululundag ang puso mo sa tuwa, parang Party! Party!

Naalala ko na naman kung pano nagsimula ang matamis na nakaraan. Summer Job of 2007, at Summer of 2009 naman iyon mapait na nagtapos. Sa pagbabalik-tanaw ko, naisip ko tila mas mahaba lang ang relasyon namin sa Isang Linggong Pag-ibig (ni Imelda Papin) ngunit ang paglipas ay tila mas mabilis pa sa isang iglap.

Nostalgic lang ako ngayon sa kaiisip ng Summer dahil marka ito na mahaba nang nagbakasyon ang puso ko from romantic love. Mahabang panahon nang naging malaya ang nabihag kong puso, at nararamdaman ko na ang mahigpit na yakap ng tagtuyot. Pinagtatanto ko kung marapat na ba akong magmahal muli? At kung oo, bakit?

Saturday, April 2, 2011

Gagged!

Kating kati na naman akong bisitahin ang account nya sa facebook. Buti na lang eh medyo duwag din ako't di ko kayang makita na may bago na naman syang kaharutan. Ang hirap. Minsan nga'y naiisip ko na mas mabuti na rin sigurong magkaron na sya ng bagong lovelife, yung seryoso, di yung puro pa-kilig at pa-display lang ang alam. Syempre sigurado namang magnga-ngangawa rin ako kapag nagkatotoo yun,
pero at least eh one time big time na sampal yun sa mukha ko, masakit, pero alam kong mas madali akong magigising.

Pagnagkataon, di ko na iisipin na siguro'y mahal nya pa rin ako't puro pagpapaselos lang ang ka-kornihan nila sa facebook.
Di ko na rin pag-iisipan ng masinsinan kung para sa'kin ba yung mga double meaning nyang status.
Di na rin ako magbabakasakaling takaw at lunod lang siya sa pride nya, kunsabagy eh swerte sya't mas matangkad na sakanya ang iniingatan niyang ego.
At lalong lalo nang hindi na rin ako dadalaw sa wall nya dahil isa na sya, sila, sa mga taong pinaglililibak ko noon, yun bang lantaran ang buhay pag-ibig, kulang nalang eh gawan nila ng pelikula o teleserye ang kabaduyan nila.

Ewan. Ang kati kasi. Siguro'y dahil pagaling na. ganyan daw ang mga sugat sabi ng nanay ko,
wag daw kamutin kasi'y pepeklat rin lang naman.

Friday, April 1, 2011

out of sight, out of mind

oh talaga? hindi rin eh.

kabute

ang hirap talagang mag move on. may mga pagkakataon na biglang susulpot ang mga alaalang masasaya tapos biglang ung masasakit naman. ang sakit isiping pinagdasal mong maabot ang mga pangarap nung isa tapos nung naabot niya na kinalimutan ka na. akala ko sa pelikula lang nangyayari ang mga ganung eksena sa totoong buhay din pala. kung pwede lang sanang bawiin ko lahat ng ipinagdasal ko. ano kaya ang mangyayari sayo??