Monday, August 8, 2011

Point is...


Ang sakit naman maikumpara sa isang taong alam mong mas angat naman talaga sa'yo at iba sa'yo.

Aminado naman talaga akong mas magaling siya, mas matagal na siya sa trabaho, mas may guts siya at masasabi kong gamay na niya halos lahat ng side ng trabahong ito. Ang masakit lang, kailangan pa talagang ipamukha at iparinig sa lahat na mas may maganda sanang output kung siya ang gumawa?

Wala akong hinanakit o ano man... Ang sa akin lang, matuto ka naman sanang pahalagahan kung anumang effort ang ginagawa ng ibang tao para sa'yo. Tuldok.

*sigh

Saturday, August 6, 2011

All is well, sana...


Nakakatawa at nakakatuwang isipin na nagawa kong tumakbo, humangos at makiusap sa gwardiya sa sarado nang booking office ng isang airline company na ako'y papasukin dahil may ihahabol akong flight booking na naipabook ko na't lahat pero dahil sa weird at kakaibang mga pangyayari na saklaw na yata sa linggo-linggo kong trabaho, kailangan kong mamroblema at mawindang...na kung tutuusin, di naman talaga kailangan humantong pa sa ganoong sitwasyon.

Pero anu't ano pa man, tapos na..nangyari na. All is well..sana nga, dahil Lunes bukas, JUDGMENT day.

*sigh