Wednesday, February 13, 2013

My True Love ^_^

                 Hi guys! It's been a while since I last visited. So muztah na ba ang lahat :). As for me, as always, sakto lang. Wala pa din namang nagbago :). Kung meron man, yun yung pagkawala ng isa sa mga dahilan ng aking pag ngiti. But im here to talk about The One Who never leaves me behind. Always there in my darkest day and hour. The reason I breathe everyday. The reason why i keep on goin even in my worst day. The One who always remind me to never give up, and keeps me strong. The reason why I always smile, kahit na naka simangot mga tao sa paligid ko. My inspiration to give people smile by enetertaining them. The One who keeps me warm inside and out. One who always reminds me to be safe everytime I travel. My True Love, sweet Lord God :). I just want to remind you guys, si Lord God ang kailanman, hinding hindi tayo iiwan. Siya ang magbibigay sa atin ng mga pagsubok para lumakas tayong lalo at tatanggapin tayo ng buong buo. Siya ang nagmamahal sa atin, ano man ang mga nagawa natin. Sweet Lord God, thank You for not giving up on us. And I worship You with all my heart, to You I give my Love. Happy Valentines Day sa inyong lahat :) here's a song to lift your spirit up guys. Hope that you'll listen to it :). If you think na tapos na ang lahat pag may mga problema tayo, well think again :)...






Wednesday, February 6, 2013

Sinubukan ko Na

Stress sa trabaho. Mga kinikimkim na sama ng loob at sakit sa puso.

Tamang rason para magdesisyon akong puntahan ka. Matagal ko nang pinag-iisipan kung tama bang puntahan kita. Pero, ito na yung tamang panahon, tutal nasa tamang edad na rin siguro ako.

Naligo muna ako. Madilim ang kwarto pagpasok ko. Nakahanda ka na. Hindi ko maipaliwanag ang kaba ko. Tinatanong ang sarili kung tama ba ang desisyon kong ito. Sa paghiga ko, unti-unting bumabalik ang sakit na pinadama sakin ng mga taong akala ko di ako sasaktan. At ikaw naman, siniguro mong kumportable ako. Matipid ang mga salita. Tila kinabahan ka bigla. Pero pareho natin 'tong gusto. Para mas mapanatag ako, dahan-dahan mo akong hinawakan. Parang may kuryente akong naramdaman. Parang gusto kong itinigil na lang 'to. Hinaplos mo ang katawan ko. Dahil wala nang atrasan, wala na akong nagawa kundi hayaan kang hawakan ang buo kong katawan. Ganun din naman sa buhay, pag nasa gipit na sitwasyon ka na, ang magagawa mo na lang ay magtiwala. Kahit alam mong dehado ka sa laban, magtitiwala ka pa rin. Wala nang atrasan.

Habang tumatagal, hindi na ako nahihiya. Hinayaan ko na lang na mangyari ang dapat mangyari. Sa paraang 'to sana makalimutan ko na rin ang masasamang nangyari sakin. Ang nakakastress na trabaho, ang masalimuot na buhay-pag-ibig. Hinayaan kita. Alam kong napagod ka. Pero salamat. Naligo ulit ako pagkatapos. Hanggang sa muli.....

Friday, February 1, 2013

What I feel now

I am envious.
I am assuming.
I am selfish.
I am damn. But damn beautiful in my own special way.
I am not a perfect friend.
I am SENSITIVE. VERY, VERY SENSITIVE.
I am Cancer.

I can't breathe!

(07:00AM, Office)

Breathe Again

"Mahal kita, kahit isinusuko na kita sa iba." ~ Gino kay Mikay habang inihahatid niya ang huli kay Jao na pakakasalan nito.

#fanlang #wagasnalinya #ouch #unconditional