Wednesday, June 27, 2012

Unrequited Love

"Sobrang nakarelate ako sa article na sinulat ng isang kaibigan/schoolmate. Kaya sa mga copers na nagmahal at hindi nasuklian ang pagmamahal gaya ng naranasan ko kamakailan lang, basahin niyo rin ito."

Sapilitan: A Tale of Unrequited Love
by Ralph Revelar-Sarza on Friday, 22 June 2012 at 18:44

DUMATING ako sa puntong kinailangan kong isakripisyo ang pagkakaibigan para ipaalam sa kanyang higit pa sa pagiging ka-yosi, ka-tsismisan o kasama during boy hunting ang papel na gusto kong gampanan. Sa bilis kasi ng takbo ng oras, may mga bagay na hindi na dapat pinapaghintay pa. Naniniwala kasi akong ang pag-ibig na hindi kusang dumadating ay kailangang hanapin.

Pero may mga bagay na hindi kailanman maaaring ipilit. Masakit mang tanggapin pero may mga bagay na sadyang hindi “muna” maaaring mangyari sa mundong kasalukuyan mong ginagalawan. May mga bagay na ipapamukha sa’yo na higit pa sa masarap at mainit na nilaga ang maaari mong makuha kapag may tiyaga kang maghintay para sa pag-ibig na inilaan sa’yo ng tadhana.

Sinubukan kong ipagpatuloy at pagtagumpayan ang laban ng buhay kung saan ang tuntunin ay ang araw-araw na pag-iwas sa anumang bagay na mag-uudyok sa’kin para ipahayag ang aking nararamdaman. Hindi ko inasahang posible pa rin naming mapanatili ang aming pagkakaibigan. Hindi ko inasahang sa pagpapatuloy ng aming samahan ay makukuha kong subukang buksan muli ang aking puso para bigyang-daan ang isang bagong pag-ibig.

Sa pagdating ng bagong inspirasyon, naranasan kong muling maging masaya. Naranasan kong makuntento. Naranasan kong muling mangarap. Isang bagong pag-ibig na ipinakita sa’kin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng bukas na pananaw, disiplina sa sarili at respeto para sa ibang tao. Isang bagong pag-ibig na hindi perpekto ngunit walang hinihinging kapalit.

Sa kabila ng panibagong oportunidad na maging maligaya at ngumiti habang nakatingin sa kawalan, hindi ko napaghandaan ang araw kung saan mararamdaman kong ang unang bugso ng kaligayahan ay mayroong hangganan. Ang pagiging kuntento ay hindi pangmatagalan. Ang pag-asam sa isang bagay na walang ipinapakitang maliwanag na kasiguraduhan ay hindi kailanman magdadala ng panatag na kalooban. Hindi ko agad nawaring mahihirapan akong panatilihing maayos ang daloy ng isang kumplikadong relasyon kung saan habang nasa ilalim ako ng makapangyarihang araw, ang taong pilit kong sinusubukang bigyan ng buong pansin ay nasa ilalim naman ng buwan.

Hindi ko maiwasang magtanong. Wala raw mahirap para sa taong nagmamahal pero bakit ako napapagod na ipagpatuloy ang pagtahak patungo sa isang bagong landas, papalayo sa lumang daang pinili kong talikuran? Narating ko ang isang simpleng kasagutan. Dahil ang lumang daang pilit kong nilalayuan ay ang natatanging daan kung saan hindi ako magsasawang lumingon.

At ngayon, handa na akong bumalik.

Muli akong sasabak sa isang laban kung saan ang mga sugat na maaari kong makuha ay magsisilbing paalala na minsan sa buhay namin ay sinubukan ko s'yang ipaglaban. Naniniwala akong mas katanggap-tanggap na harapin ang hapdi ng sugat na dala ng isang pag-ibig na hindi nasusuklian kaysa umatras para ito'y paghilumin.

Ang umasa sa pagmamahal ng isang taong hindi ka kayang mahalin ay parang pamimingwit sa lawang wala namang isda. Pero sa labang ito, ako mismo ang maglalagay ng mga isda upang sa muli kong pagbalik, mas malaki ang pagkakataon kong makarami ng huli.

Minsan darating tayo sa punto kung saan mas mangingibabaw kung pa'no natin tingnan ang ating mga sarili kaysa sa sasabihin ng ibang tao. But when it comes to unrequited love, the person who cannot reciprocate what you feel has the power to make you realize why you are being found wanting.

If there's one good thing about unrequited love, it would be the fact that it presents itself as an option for you to be a better person. It allows you to see your flaws, and gives you a chance to correct them.

Hindi s'ya ang una kong pag-ibig pero s'ya ang tipo ng pag-ibig na masarap balik-balikan. Isa s'yang kwentong pambatang dadalhin ko hanggang sa aking pagtanda. Isa s'yang tula na hindi ko pagsasawaang bigkasin kahit may mga salitang hindi magkasing-tunog. He acknowledges his imperfections, and that's what makes him perfect.

Mahal na mahal ko s'ya at hinding hindi ako mapapagod na hintayin ang araw na kusa s'yang papasok sa pintuan ng aking puso na hindi n'ya na kailangan pang katukin dahil matagal nang nakabukas.


"May mga advantages naman kahit hindi nasusuklian ang ating pagmamahal. Isipin na lang din natin, dumating rin sa punto ng buhay nung mga minahal natin (na hindi tayo nakuhang mahalin), ang sitwasyong sila naman ang nagmahal at hindi rin ito nasuklian. Sabi nga, patas lang. Pero kahit mapait ang naranasan natin, wag nating kakalimutan ang pag-ibig. Hayaan nating maghilom ang sugat at bigyang daan ang darating na bagong pag-ibig."

Monday, June 25, 2012

Curl up like a ball


I’m currently in the state where I just wanna be like Isabella Marie Swan when her Edward Cullen left her. For months she just locked herself in her room and curled up like a ball thinking of how to move on.

I can now attest that women’s intuition is very powerful. Last week, I read your blog about fixing things. Since then, I noticed that you’ve changed, a lot. But whenever I ask why you’re like that, you’ll just say “hindi naman a.”

The moment I read what you wrote, one thing struck me: you’ll end things with me and go back to her. Yes, that’s the right thing to do dear. But it hurts because I honestly like you even if I still can’t absorb that I do.

I always practice to be calm. You’re one lucky guy dahil ako ‘to. Dahil malawak ang pang unawa ko at ayokong mabuhay nang parang nasa isang template Pinoy telenovela na hindi ko pinapanood dahil sa kakornihan.

Pero grabe. Hindi lang pala sa drama talaga nangyayari ang mga ganitong bagay. Shucks I can’t believe this is happening to me. First sign na isa itong generic Pinoy serye ay ang confrontation scene.

Grabe, ang hirap magsalita. Yun lang. Lahat ng inisip mong sabihin, nawawala lahat kapag kaharap na sya.

Second proof: cab scene.

Jusko. Gusto mo nang sumabog sa irita but because you didn’t wanna create a scene, you managed to be calm and walk away like nothing happened. At eto pa ha, martir na kung martir but you still said na “make sure not to lie to her ever again.”

Then pagandar ng cab, bigla nalang bumuhos ang luha. Na tipong you wanna share to manong driver what you feel but nooo, that’s too much kadramahan na. Sabi ko na nga ba kailangan ng tissue e.

Third proof: pagdating mo sa bahay, you just act normal pero deep inside gusto mong umiyak ng malakas.

Fourth proof: Cs scene kung saan bubuksan mo ng malakas ang faucet or shower so no one can hear you sob or break out.

Pero no matter how painful it is right now, I know I can survive. (UP scoring: ‘cause you make me stronger by breaking my heart…)

Medyo gumaan actually ang pakiramdam ko nung finally gumising na ako pero I’m still in a fragile state na tipong isang tapik mo lang, iiyak ako sa harap mo.

Neuralizer


If you've seen the MIB trilogy, then you are most likely familiar with Neuralizer. Sometimes spelled as Neuralyzer, this pen-like gadget is issued to every agent and has the capacity to erase people’s memory of alien encounters. I haven’t met any alien yet but I think I badly need an exposure to this Neuralizer.


♪♫ I must have been a fool
To love you so hard for so long
So much stronger than before
But so much harder to move on

And now the bitter chill of the winter
Still blows through me like a plague
Only to wake up with an empty bed
On a perfect summer day

My world just feels so cold
And you find yourself
Walking down the wrong side of the road

I can't lie, you're on my mind
Stuck inside my head
I wanna feel your heart beat for me instead, yeah
I just die so much inside
Now that you're not there
I wanna feel your heartbeat like yesterday

I never did my best to
Express how I really felt
And now that I know exactly what I want
You found somebody else

My world just feels so cold
And you find yourself
Walking on the wrong side of the road

I can't lie, you're on my mind
Stuck inside my head
I wanna feel your heart beat for me instead, yeah
I just die so much inside
Now that you're not there
I wanna feel your heart beat like yesterday

My world just feels so cold
And I find myself
Thinking about the things I could have done
And it warms my soul
When you let me know
I'm not the only one

I can't lie, you're on my mind
Story inside my head
I wanna feel your heart beat for me instead, yeah
I just die so much inside
Now that you're not there
I wanna feel your heart beat like yesterday
♪♫



HEY!

DAMN IT! DAMN YOU!

Friday, June 22, 2012

:'|

You were everything, everything that I wanted.
We were meant to be, supposed to be
But we lost it.

Manhid

Dumating na ba sa punto ng buhay mo na gustong-gusto mong umiyak pero hindi mo magawa? Yung tipong parang sasabog ka na, pinipilit mo nang lumuha o kaya naman pinapatugtog mo na ang pinakamalulungkot na kanta sa Earth pero wa epek pa rin? Kung hindi pa, maswerte ka. Ngayon ko lang narealize na mas OK pa pala na umiiyak kapag nasasaktan ka. Mas madaling nakakamove-on kung ganun.

Pero naisip ko, eto na kaya ang sinasabi nilang, nagiging manhid ka na kaya di ka nakakaiyak. Na sa dinami-rami ng masasakit na nangyari sa buhay mo eh naging bato ka na. Putragis na buhay 'to. Ang daming TARANTADONG tao sa mundo. Ang daming INSENSITIVE. Dito ko na lang ibubuhos ang lahat ng sama ng loob ko. Ito na ang huli. Pramis.

Babala: Masasakit ang mga susunod na mga pangungusap. Baka di mo kayanin. Pero dahil manhid ka nga, ayos lang ito sayo.

Hindi naman lihim sa'yo ang nararamdaman ko. Pero bakit hindi mo man lang sinabi agad na meron na? Nananadya ka ba talaga o nuknukan ka lang ng insensitive? Alam mo kung gaano kasakit yan. Alam na alam mo yan. Oo, wala kang responsibilidad na sabihin ang mga pangyayari sa lecheng buhay pag-ibig mo pero sana man lang nirespeto mo ang nararamdaman ko. Wala ka nga talagang BALLS. Sana hindi na ako nagmukhang tanga. Alam mo naman ang pakiramdam na nagmumukhang tanga diba? Gusto mo bang ipaalala ko sa'yo? Ayaw kitang makita. Ayaw na kitang makausap. Ayaw kitang makasama.

Sana lang hindi mo ulit maranasan ang masaktan. Sana hindi ka na ulit magmukhang tanga gaya ng ginawa sa'yo nung isang babae at ginawa mo rin sakin. Pakshet! Nagsisisi akong ikaw ang minahal ko. Nagsisisi akong sa'yo ko ipinagkatiwala ang puso ko na kahit konting pagpapahalaga wala man lang naibalik sa akin. Nagsisisi akong itinuon ko ang atensyon ko sa isang walang kwentang tao. Hindi ka nga agad umalis gaya ng ibang nakilala ko pero ngayon ko lang hinangad na sana, nawala ka na rin na parang bula.

Galit na galit ako. Pero sige lang. Magsisimula akong muli. Kung sakali man na mag-krus ang ating landas, sisiguraduhin kong wala na akong mararamdaman.

Paalam. Ciao. Goodbye.

June 22, 2012 Friday, 10:09pm

Thursday, June 21, 2012

ALARM CLOCK

We are most vulnerable when we wake up.



"Wide Awake"

I'm wide awake
I'm wide awake

I'm wide awake
Yeah, I was in the dark
I was falling hard
With an open heart
I'm wide awake
How did I read the stars so wrong?
I'm wide awake
And now it's clear to me
That everything you see
Ain't always what it seems
I'm wide awake
Yeah, I was dreaming for so long

[Pre-Chorus]
I wish I knew then
What I know now
Wouldn't dive in
Wouldn't bow down
Gravity hurts
You made it so sweet
'Til I woke up on
On the concrete

[Chorus]
Falling from cloud 9
Crashing from the high
I'm letting go tonight
Yeah, I'm falling from cloud 9

I'm wide awake
Not losing any sleep
I picked up every piece
And landed on my feet
I'm wide awake
Need nothing to complete myself, no

I'm wide awake
Yeah, I am born again
Outta the lion's den
I don't have to pretend
And it's too late
The story's over now, the end

[Pre-Chorus]
I wish I knew then
What I know now
Wouldn't dive in
Wouldn't bow down
Gravity hurts
You made it so sweet
'Til I woke up on
On the concrete

[Chorus]
Falling from cloud 9 (it was out of the blue)
I'm crashing from the high
I'm letting go tonight (yeah, I'm letting you go)
I'm falling from cloud 9

I'm wide awake
Thunder rumbling
Castles crumbling
I'm wide awake
I am trying to hold on
I'm wide awake
God knows that I tried
Seeing the bright side
I'm wide awake
But I'm not blind anymore...

I'm wide awake
I'm wide awake

[Chorus]
Yeah, I'm falling from cloud 9 (it was out of the blue)
I'm crashing from the high
You know I'm letting go tonight (yeah, I'm letting you go)
I'm falling from cloud 9

I'm wide awake
I'm wide awake
I'm wide awake
I'm wide awake
I'm wide awake 
 
Sana makanta ko 'to ng buong puso balang araw.
Sana magising na tayo sa ating "teenage dream" tulad ni Katy Perry.
:)

Monday, June 18, 2012

The Worst Feeling

Sabi ko na nga ba.

Dapat di niyo ako sinasanay sa mga bagay na mahirap pakawalan.
Sa mga bagay na mahirap kalimutan.
Sa mga bagay na di ko magagawa kapag wala kayo.
Sa mga alaalang di pwedeng kalimutan at mga alaalang kahit pwede nang kalimutan ay hinding hindi makakalimutan.
Sa mga paniniwala ninyong unti-unti ko na ring pinaniwalaan.
Higit sa lahat, sana hindi niyo na lang ako binigyan ng pagkakataon na makasama kayo kung darating din naman sa panahong IIWAN niyo ako.

(the other way around)
12:08 AM, 19 June 2012 Happy birthday Dr. Jose Rizal.

Tuesday, June 12, 2012

When you're attached to people that you cannot imagine the world without them

This is a sort of an outlet.

I've been into some kinda weird and troubled week. Trouble with my work and weird happenings involving my dearest friends.

I have this close friend 1 who's involve with a guy to whom another close friend 2 is involve, too. Weird, right?

Anyway, this close friend 1 left me, at least physically, for days without any text or advice and without telling me the reasons at all, until yesterday. She was sorry about everything and said that she's still there for me. (I hate goodbyes) She said she's angry and didn't want to talk to me about everything even though she said that this has nothing to do with me and with our friendship. Because everything has to do with our close friend 2 and the guy they both...uhm...'love' I think.

To give you a short detail, close friend 1 and close friend 2 are both in deep feelings with this guy, who is (sorry for the term) not a 'real man'. From what close friend 2 has told me, she and close friend 1 are both aware that they both see and spend time with the guy. Weird, indeed. Anyway, I haven't heard close friend 1 telling me story about her and the guy. From what I know and and understand, they are both into deep feelings with the guy and this guy is dating them both when he knows that my close friends are close. Weird, weird, weird.

Moving on, I don't have any grudge with this guy but all I can think now is that he's the reason why this is happening. Though, both close friends should have settled and cleared things in the first place.

More personal problems to settle with myself. More involving me and my work. More with my personal life. But I am deeply HURT with all of these.

Whew! I never expected to write about this, I just have to let this out.

Segue, have you read 'The Perks of Being A Wallflower'? If not yet, sabayan niyo ako. :)

Question: Do you really get WEIRD when you're in love? Just asking. :) 

While contemplating on things, I found this song for both my close friends. Hope they'll like it.


Friday, June 8, 2012

Usapang Totoong Buhay

Pahinga muna ako sa usapang pag-ibig. Seryosong usapan muna.

Hindi maalis sa isip ko ang batang babae na namatay sa diarrhea. Christine daw ang pangalan niya. Ang lupit ng mundo. Dahil sa kontaminadong tubig, di na nakayanan ng bata. Namatay siya noong Huwebes. Namatay rin sa parehong sakit ang kanyang ina. Hindi ko man nakausap ang ama ng bata, ramdam ko ang pighati na kanyang nararamdaman.

Kasama kami sa grupong pumunta sa barangay kung saan nakatira ang mga biktima. Sa mapa pa lang, alam na naming malayo. Maglalakad pa raw. Sabi ko sa sarili ko, kaya 'to. Naakyat ko nga ang Bulusan. Pero sa totoo lang, mas mahirap 'to sa pag-akyat sa kahit anumang bundok/bulkan. Mas nakapanlulumo ang 'yong maaabutan. Hindi napapasok ng kahit anong klase ng sasakyan ang lugar. Kalabaw lang ang gamit ng mga residente para maitawid ang kanilang mga produktong binili mula sa bayan. Isa hanggang dalawang oras ang lakaran, depende pa sa panahon. Sa estado ng kalsada dto, sino nga ba ang hindi mamamatay kung bigla kang magkaroon ng sakit? Gaya ng nangyari kay Christine at sa kanyang ina. Kapansin-pansin din na walang health center sa lugar. Ibig sabihin, walang mga gamot kahit man lang paracetamol sa mga bata. Kung tutuusin, maliit lang naman ang barangay. Ayon sa kagawad, may 300 households lang daw. Pero kung ang bawat pamilya eh may limang miyembro, marami-rami na din yun. Bakit ba kasi doon nila napiling tumira? Alam kong, may kanya-kanyang rason ang bawat pamilya, at wala akong karapatan na kwestyunin yun.

Habang naglalakad ako, hindi ko maiwasang magtanong kung saan nga ba napupunta ang ibinabayad kong buwis? Kung sana, sa maayos na kalsada at gamot napupunta, hindi ako magrereklamong kinse porsyento ang ibinabawas sa sweldo ko buwan-buwan. Mas lalong naiintidihan ko kung bakit dumarami ang mga militante. At naiintindihan ko na rin kung bakit marami ang umaalis ng bansa para magkaroon ng mas maganda buhay.

Sa lahat ng araw-araw na nasasaksihan kong baluktot na sistema, nakakahiya mang aminin pero kahit ako walang nagagawa. Bawal ngang magpakita ng emosyon sa oras ng trabaho eh. Kahit naiiyak ka na, kailangan mong pigilan. Ikinukwento mo lang ang nagyayari sa lipunan. Hanggang dun lang. Kahit ako, umaasa ring sana may makapansin nito at sana may pagbabago.

Sa totoo lang, mayroon pang dapat problemahin kaysa sa lovelife. Diba copers?

-June 9, 2012 11:35am

Monday, June 4, 2012

'Di ko bet si Jericho Rosales maging singer. Pero maghapong nasa isip 'tong kanta nya. Tagos lang. Ang jologs ko ngayon. T_T

Aasa ako, 
Babalik ang ligaya, 
Aking mithi
Hanggang sa muling pagkikita
Sasabihin mahal kita