Thursday, March 20, 2014

First Entry for March 2014

Obviously, all of us are busy with our lives now, wala na masyadong pumapansin sa blogsite natin. Or pwede namang, karamihan eh nahanap na ang kaligayahan sa buhay nila na hindi na nila ito kailangan. Mabuti kung ganun nga! Cheers!

Pero pwede rin namang ang iba ay nais na lang ding sarilinin ang pinagdadaanan. Ang iba, nawala sa isip na may blogsite pa pala tayong ganito, tulad ko. Na pwede pa rin itong maging sandalan ng mga walang makausap at umaasang sa mga susunod na araw ay may susunod ulit na magbubukas ng kanyang sarili. Since hindi ako makatulog naalala ko na naman to. Hehe. Ang naging sandalan ko nung lugmok ako. And hey, bad news, lugmok ulit ako. Haha! Consistent ako diba?

I am battling with myself for the past nine months since a guy left me. How bad it feels to be dumped by someone whom you thought will be your partner for the rest of your life. Gaga lang to think that way. Some people aren't meant to be together at malas, dalawa kami dun.

I realized he is not the person I thought he is. Thank you Lord for saving me from that person. But still i really wish him all the blessings and happiness in the world. After all we were friends before.

As I grow older, mas naghahanap ako ng real happiness. Mas gusto ko yung may silbi ako sa mundo more than may silbi ako sa iisang tao lang. Pero hanggang ngayon di ko pa rin mahanap ang real happiness na yun. Nawawala na ang self-worth.

Now, I am afraid of losing myself. I truly am.