Thursday, January 12, 2012

Hagulgol sa Hatinggabi

Akala ko ayos na ako. Hindi pa pala talaga lalo na kung nagkapatong-patong na ang problema. Bakit kaya nagsasabay-sabay ang problema? Ang sarap sabihin sa Diyos na "Papa God, wait lang po. Pwede isa-isa lang?". Di ko naiwasang humagulgol ulit kagabi.
Parang sasabog ako. Gusto ko nang maggive-up. Namutawi sa bibig ko ang linyang "ayoko na". KInailangan ko ang kausap. At dahil alam kong halos magkapareho kami ng pinagdadaanan, tinawagan ko si Andrew. Pero dahil i-ere na siya, naputol muna ang usapan. Tinawagan niya na lang ako habang nandun siya sa makasaysayang Street Unknown. Maraming salamat sa pagdamay Andrew. Hindi ko siguro alam ang gagawin ko.

Sabi nga ni Andrew, ganun daw talaga ang buhay. Pero kakayanin naman ang mga pagsubok. Hindi naman magbibigay ang Diyos ng pagsubok na hindi mo kaya.

Kailangan ko lang siguro ng espasyo. Kailangan ko lang mag-unwind. Kailangan kong magrelax!

Payo pa ni Andrew, maghanap raw ako ng mapaglilibangan. Gym? Prayer meetings?

Hay ewan!

Positibo akong malalampasan ko rin 'to.

Baguio lang ang katapat nito.

No comments:

Post a Comment