Saturday, January 7, 2012
Skater Boy...
Buong akala ko, kaya ko nang ikwento ang nangyari sa isang kaibigan. Mula sa masasayang pinagsamahan namin hanggang sa siya'y pumanaw. Hindi pa pala. Hindi ko kinaya. Tumulo ulit ang mga luha. Garalgal ang boses ko habang nagkikwento sa mga curious kong boardmates. Parang sasabog ang dibdib ko. Napaiyak din sila nung umiyak na ako. Di na nila ako pinilit na tapusin ang kwento. Di ko rin pala kayang tapusin. Di ko pa kayang bitawan. Sa 21, isang taon at dalawang buwan na mula nang pumanaw siya. Birthday ko rin.
Sana nandito pa siya. Mas masaya sana. Ibang-iba sana ang sitwasyon ngayon. Kuya, please be my angel. Lalo na ngayong may pinagdaraanan akong mabigat. Pakikalabit ng mga nagpapasama ng loob ko ngayon. Resbakan mo na! Alam kong yun ang gagawin mo kung nabubuhay ka pa.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Tonto, naaalala mo ba ang ginawa mo sa tabi ng puntod niya nung bumisita tayo? HAHAHA.
ReplyDeleteLapastangan! Hahahahaha! Di ko na kasi talaga napigilan! Kainis ka Andrew. Lol
ReplyDelete