Nang marinig ko ang busy tone, bigla akong binalot ng nakakabinging katahimikan.
May hangin sa paligid pero hindi ko marinig ang kaluskos ng mga dahon sa Street Unknown.
Parang naka-mute na pelikula.
Mapunan lamang ang kawalan, nagkumahog akong hanapin sa playlist ko ang maingay na kanta ng The Exies para patugtugin sa nakasalpak kong earphones.
Ang musika, base sa aking karanasan, ay mabisang anesthesia.
Maya-maya pa, nag-text ka.
Opening.
"Hey sorry, had to reject your call. May ginagawa kasi ko..."
Reply.
"No worries. That was just a random phone-a-friend for Who Wants to Be a Millionaire. And I lost the game, because you hang up! The question supposedly was, what is the square root of 25? I answered, 5.756378. Tangina, 5 lang pala ang sagot!? :)) Anyway, hope you're cool. :)"
Sent.
Natawa ka.
Natawa rin ako.
At naisip kong may masasaklap na reyalidad na mas okey na idaan na lang sa biro. Dahil sadyang malaking biro lang din naman ang buhay.
Ika nga nila, "Don't take life too seriously, because nobody has come out of it alive anyway."
Pero tuloy lang. Habang may musika.
teary-eyed ako dito Andrew. Nararamdaman ko ang sakit. Pramis!
ReplyDelete