Sunday, January 1, 2012

Paalam at Salamat 2011

Tapos na ang 2011. Panahon na upang harapin ang bagong taon. Pero alam kong mananatili pa rin ang bangungot ng nakaraan. Maraming nangyari. Maraming drama pero marami rin naming comedy. Hayaan niyo akong balikan ang mga pangyayaring kaya lang alalahanin ng aking puso at isipan. Umaasa akong sa paraang ganito, mas madali sa akin na harapin ang panibagong yugtong ito ng buhay ko. Ito ang buhay ko sa taong 2011.

January. Naging maayos ang simula ng taon. Pero pagbalik ko ng Legazpi, naghihintay si Gagged. Sawi. Malungkot. Hindi ko inasahang ganun na lang naapektuhan ang kaibigan ko sa isa rin sa mga pagsubok sa buhay-pagibig niya. Dun ko siya nakitang hinang-hina. Pero sigurado ako nung mga panahon na yun na malalampasan niya ang pagsubok. Tama naman ako. Enero din nang nagsama-sama kami sa isang event nina Gagged at Andrew. Gatecrashers ang drama namin ni Gagged. Haha. Dun na din nagsimula ang madalas naming paglabas. Ang paboritong lugar: Howlin @ the Moon. Sa mga kanta siguro namin ibinuhos ang pinagdadaanan namin. Mas tumibay ang samahan sa madalas na kwentuhan at tawanan. Sa buwan na ito rin tumungtong na ako sae dad na 22. Wala lang. Pagdating naman sa trabaho, makulay ang buwan na ito. Malakas ang ulan. May landslides. May evacuees. May Manila team. May Jorge CariƱo at may Korina Sanchez.

February.
Buwan ng mga puso ika nga. As usual, hindi ko din naman nafeel ang okasyon. Zero pa rin. Pero naging kontento pa rin sa company ng mga kaibigan. Pagdating sa trabaho, ito ang buwan nang una akong umere sa TV Patrol. National yan ha! Hindi ko yun inaasahan. Dun ko mas napatunayan na may tamang panahon para sa lahat. Matagal ko na rin naman kasing pangarap na umere sa national. 2010 nung may pagkakataon n asana pero hindi naman natuloy. Pero Pebrero nang pumutok ang Bulkan BUlusan at saktong nasa malapit lang kami. Nakunan ang lahat ng dapat makunan. Nakagawa ng istoryang maganda. Halos walang aberya kahit sa pagpapadala ng material. YUn na ang panahon ko. Si Kabayan ang nag-intro. Ang sarap pakinggan na mismong si Noli De Castro ang nag-iintro sa pangalan mo. Nawala lahat ng pagod. Yes! At siya nga pala, take 3 yung istorya ko. Ibig sabihin pangalawang istorya para sa gabing iyon. Ayos! Dahil dun mas nagging inspired magtrabaho. 

March. Lakwatsa month! Itinuloy namin ang planong pumunta ng Baguio City. Pero ang dapat sana’y walo hanggang sampung magkakasama, naging apat na lang. Hindi nakasama ang artista. Busy daw. May pictorial. K. Sabi nga ni Gagged, ang pictorial kasi may kontrata kaya obligadong puntahan. Ang pagkakaibigan, wala kaya pwedeng talikuran. So ganun nga, apat na lang kami. Si Andrew, si Gagged, si Kim Kimero at ako. Sa bus pa lang papuntang Manila, pamatay na agad ang mga karanasan. Hinding hindi ko makakalimutan ang foreigner sa stop over. Ooowwww. Nakakawala rin ng problema ang mga bloopers ni Andrew. Tatlo lang ang nabili na ticket. Hindi niya nabilhan sarili niya. HAhahaha. Panalo din ang trip papuntang Baguio. Tawanan sa mga stop over. Bili ng pagkain sa bus. Ang sarap ng chicharon sa Pampanga. Winner! Ang sarap ng hangin sa Baguio pero mas masarap alalahanin ang isa pang blooper ni Andrew. Nanaginip at super sigaw ng HELP! Sosyal talaga. Kahit sa panaginip, English! Hahahaha! Pasyal dito. Pasyal dun. Picture ditto, picture dun. Kain dito, kain dun. Bili dito, bili dun. Super fun! Nagmadali kaming bumaba dahil babawi raw ang artista kinaumagahan. Ok. Sa isang Italian resto niya kami dinala. K. Mahal. Siya na ang rich. KOnting kwentuhan lang then sibat agad. Dun na nagsimula ang masalimuot na kwento naming magkakaibigan. Unti-unting nawala. Bigla niya kaming inunfriend sa Facebook. Inunfollow sa Twitter. Ouch yun! Tsk tsk. Bad. Dahil dun mas na-engganyo akong sumali sa copingclub. Dun ko sinulat ang mga hinanaing ko. March din pala nang tumulak ulit sa Manila si Gagged para dun na ulit magtrabaho. Ayaw ko man dahil takot akong muli siyang masaktan, hindi ko naman pwedeng pigilan ang ikagaganda ng kanyang career. At alam ko naman na hindi siya tulad nung artista.

April. Naging malaking issue ang para bang pagtalikod sa pagkakaibigan. Dito ko ata siya nakatext at marami rin akong nasabing ikinasakit ng kanyang loob. Hindi ko pinagsisihang nasabi ko yun pero alam ko nasaktan siya kaya nagsorry na lang din ako. PEro din na siya nagreply. Nakakalungkot. Ito lang ang aking naaalala.

May. Flores de Mayo. Chos. Muling pumutok ang bulkan bulusan. Bandang alas dose ng madaling araw. Ala una pa lang, nasa kalsada kami ulit. Tinatahak ang madilim na kalsada papuntang Sorsogon. Sa mga ganitong pagkakataon, mas naaalala ko ang namatay naming cameraman. Siya sana ang kasama namin sa coverage na to. Siyempre, padala agad ang Manila ng flyaway –ito yung gamit para makapaglive kami. Dito ko nakilala si magician/custodian. Nachallenge ako sa dala niyang rubic’s cube kaya nung nag-offer ata siya ng kape, hindi pinansin ang kape at ang laruan ang kinuha ko. Sabi niya, dun daw siya naamaze sa akin. Nagtext siya sa akin isang gabi. At dahil may pagkakatulad sa aming ugali, nagkasundo kami. Araw araw na ang pagtetext kahit nakabalik na sila ng base. Di pa siya nakuntento, tumawag pa. Minsan halos apat na oras kaming magkausap. Sa ilang araw lang siguro, nakwento na ata naming ang pinakaimportanteng nangyari sa buhay namin. Sabihin na nating, kahit malayo kami. Umulan na naman kasi sa Albay. Ang daming palpak sa mga live. Arrrghhh.. Gagaling din ako tulad nila. Hhhmppf!

June. Patuloy ang pagdating ng mga bagyo. Cover dito, cover dun. Nagpapatuloy ang pagtetext. Patuloy lang.

Itutuloy...

1 comment:

  1. Naaliw ako rito. Pati sa Flores de Mayo. :)) Salamat Tonto sa pagiging parte ng buhay ko sa 2011. Masaya. Baguio ulit! :D

    ReplyDelete