Pang-ilang araw na ba? Hindi ko na binibilang ang araw na malungkot ako. Sa totoo lang, pakiramdam ko ang tagal-tagal na. Pero natutuwa naman ako sa bawat araw. Nararamdaman kong paunt-unti ay nagiging OK ako. Paggising mo sa umaga eh parang mas magaan kaysa sa nakaraan. Good for me! Hindi naman talaga madali ang mag move-on lalo na kung meron ka pang nararamdaman para dun sa taong nais mo nang kalimutan.
"Love takes time to heal when you're hurting so much."
Hindi ako nagmamadali na kalimutan ka. Sa totoo lang, mas nangingibabaw ngayon ang "sana maayos pa natin 'to" factor. Hindi rin kasi ako makakamove-on ng maayos kung di rin tayo makakapag-usap ng maayos.
Kagabi, binalikan ko ang panahong hindi pa tayo magkakilala. Masaya naman ako. Pero aaminin kong mas naging masaya ako nung makilala kita. Oh! Wag masyadong lumaki ang ulo! Hindi ko pinagsisisihang nagkagusto ako sa'yo. Bigla ko na lang kasing nararamdaman kahit anong pigil ko. Ganun talaga siguro ang buhay.
Isang araw, masasabi ko rin ang sinabi ni Emma sa pelikulang One Day.
"I love you but I don't like you anymore."
Pero sabi ko nga, hindi ako nagmamadaling sabihin yun. Darating ang araw na masasabi ko rin siguro yan.
One day....
(Sa mga sumusubaybay sa the coping club, pasensiya na kung karamihan ng entry ay mula sa akin. Kailangan ko lang mailabas ang nararamdaman ko. Sa ngayon ito ang itinuturing kong Comfort Room)
No comments:
Post a Comment