Naging makabuluhan ang Christmas vacation ko. Tuluyan kong napatatag ang sarili ko sa harap ng mga panlulumo. Kahit hindi ko alam kung hanggang kailan magpapatuloy ang katatagang nakilala ko, ang mahalaga ay nagagawa ko na ito ngayon. Napansin ko sa sarili ko ang pagbabago. Nakakalimot na ako. Naibabaling ko na ang isip ko sa mga bagay na makapagbibigay sa akin ng peace of heart and mind.
Masaya ako kung nasaan ako ngayon. It doesn't really matter if I am alone. Freedom will always be the best thing that could happen to me after every I-thought-it-was-love phase. The chance to think outside of what I feel. The chance to not want what I thought I wanted. The chance to want to breakaway from all the hurt. They said you should want something to achieve it, but sometimes you just have to not-want too.
I do not know when I would learn to trust again. Siguro kung may magaling na akong teacher, matututo rin ako. Experience is the best teacher, pero this time ayaw kong experience ang teacher ko. I want someone to make me trust again. Hopeful akong mahahanap ko rin ang More To Life sa Of How I Feel ng kanta ko. At masasabi ko ring God Gave Me You.
Andami kong gustong gawin. Kaso tamad ako. Andami kong gusto sabihin. Kaso antok na ako. Kaya next time naman. Gusto ko na ulit kayo makajamming Andrew, Tonto at Gagged. Inuman tayo! Tara na o!
Nabanggit ko kay Tonto na mabuti nang hindi tayo nagkakasabay-sabay na maging emo. Para balanse lang ang bangka. Pana-panahon lang. Sa Baguio na ang inuman! Ang ang ating buhay-buhay ang pulutan. Wala pala akong maisasama sa Baguio trip natin, dahil basag ang trip ko. XD
ReplyDeleteTama. Pero set na ng date. Magpplot pa ako ng leave. Hahaha
Delete