May mga araw lang talaga na sadyang hindi mo panahon.
Ito ang pagbulong ko sa sarili habang naghihintay ng inorder kong Bacon Barbeque Burger sa cafeteria.
Obvious ba? Idinadaan ko na lang sa kain ang pressure na nararanasan sa mundong ginagalawan ko. Binabalewala ang mga kabiguan at kabalintunaan ng buhay.
Ayoko nang isipin nang matagal ang mga bagay na walang kasagutan. Gayundin ang mga bagay na walang katiyakan. Ang tanging nais ko lang ngayon ay mabuhay. To live each day at a time.
These are the days na tila ba'y nasa gitnang-gitna ako ng kalawakan. Hinahayaang umikot ang dimensyon sa paligid ko habang nasa isang sulok--walang pangalan, walang ipinaglalaban, walang angal, walang imik.
Ang analogy na naiisip ko, para akong nasa mata ng bagyo.
Marahil dito ako dinala ng pagkakataon. Sa lugar na safe lang. Chill lang. Bumabawi lang siguro ang dati'y mapaglarong kapalaran.
Salamat, Katahimikan.
No comments:
Post a Comment