Tuesday, January 10, 2012
Relief
Nakasalubog ko si Tado sa kalye kahapon. At talagang for a split second, nalito ako kung sino ba sa amin ang artista. Charot.
Dumaan ako sa Vietnamese noodle house na Pho Hoa. Nakalimutan ko na ang pangalan ng inorder ko, pero ang sarrrrrap nito. Sabayan pa ng isang higanteng baso ng freshly squeezed lemon juice. Gastos man, pero ang paminsan-minsang pag-date sa sarili ay priceless, lalo na sa gitna ng stressful na trabaho.
Pagsapit ng gabi, nakausap ko sa telepono ang co-coper nating si Tonto. Sa unang tawag, weird, dahil iba naman ang nakausap ko at iba rin ang nakausap niya. Parang party line lang sa sinaunang itim na telepono. Salamat sa makabuluhan nating pag-uusap, Tonto. At sa tunay na pagkakaibigan.
Cheers!
Labels:
coping mechanisms
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment