Tuesday, January 24, 2012

Hapi anibersari :p

Nalulungkot ako na natutuwa na pagkatapos ng sanlibong taon, magpopost ulit ako dito. Sabi ng isang co-coper sa twitter Anniversary na daw ng blog na ito. :) natuwa naman ako na isang taon na pala ang nagdaan simula nang nabuo to dahil lang sa mga hinanakit sa buhay pag-ibig. Haha. Oha, ngayon iba na.

Nakakalungkot, sa sobrang kabusyhan sa buhay e di ko na magawang magsulat man lang. Napakademanding ng mundo. Huhu. Worse, outdated na ako sa mga buhay nyo. Haaay. Kumusta? :D sana ayos pa ang takbo ng mga buhay nyo. Hehe. Naku, dumarating at lumilipas na lang ang mga araw ko na walang pagbabago. Ang lungkot, napaka-neutral ng buhay, wala nang trill.

Pero hindi dapat ito ang laman ng post ko. Hehe. Matagal tagal din akong di nagparamdam, sorry. Dumaan ako para bumati, Hapi Anibersari Copers! :3 sana masaya kayo lagi. Sa career, sa lovelife at kung saan pa. At chaka dumaan din ako para iintroduce tong kinawiwilihan ko (minsan lang) na site: omegle.com. Nakakaloka, magchachat kayo ng strangers. Wala lang, ang saya lang at andami kong natututunan sa buhay. O sabe! Walang kwentang post ito. Haha. Ingat kayo lagi! Bye~

Sa malungkot ngayon, chin up, better days ahead. At di ka nag-iisa. Hinding hindi ka mag-iisa. :)

3 comments:

  1. alam ko ang omegle na 'yan! last ko pa 'yan nadiskubre. dahil sa boredom at pag-iisa. hahahaha. cool nga ang site na 'yan. :))

    ReplyDelete
  2. Matagal ko na tong alam. Recently ko lang pinatulan dahil din sa boredom... at oo, sa pag-iisa. Hahaha. May kaibigan ako from Hungary. Hihingi nga ako ng Hungarian sausage. :3

    ReplyDelete
  3. Hahaha. I-hingi mo rin ako. Try ko nga ngayon ang Omegle. :))

    ReplyDelete