Tuesday, May 8, 2018

Kalilimutan, Nalimot, Naalala

Hindi ko inakalang may makaaalala pa
Sa lugar na 'to kung saan ibinahagi
Natin ang ating masaya at higit sa lahat
Malulungkot and mapait na alaala.
Totoo ngang kahit anong sikap nating kalimutan
Ang mga ito may isang bahagi pa rin ng buhay natin na magbabalik nito kahit ayaw man natin o sa gusto.
Pero hindi ba't nakatutuwa?
Maaalala mong minsan nagkamali ka.
Minsan tumama ka naman at mali sila.
Minsan naging tanga ka at minsan tanga ka talaga.

1 comment:

  1. Parang kanta lang yan, na sa twubg maririnig mo ang isang pamilyar ba tono, ay babalik din ang isang pamilyar na pakiramdam.

    ReplyDelete