May mga araw lang talaga na sadyang hindi mo panahon.
Ito ang pagbulong ko sa sarili habang naghihintay ng inorder kong Bacon Barbeque Burger sa cafeteria.
Obvious ba? Idinadaan ko na lang sa kain ang pressure na nararanasan sa mundong ginagalawan ko. Binabalewala ang mga kabiguan at kabalintunaan ng buhay.
Ayoko nang isipin nang matagal ang mga bagay na walang kasagutan. Gayundin ang mga bagay na walang katiyakan. Ang tanging nais ko lang ngayon ay mabuhay. To live each day at a time.
These are the days na tila ba'y nasa gitnang-gitna ako ng kalawakan. Hinahayaang umikot ang dimensyon sa paligid ko habang nasa isang sulok--walang pangalan, walang ipinaglalaban, walang angal, walang imik.
Ang analogy na naiisip ko, para akong nasa mata ng bagyo.
Marahil dito ako dinala ng pagkakataon. Sa lugar na safe lang. Chill lang. Bumabawi lang siguro ang dati'y mapaglarong kapalaran.
Salamat, Katahimikan.
Thursday, January 26, 2012
I Won't Give Up
This is for you Gagged, Kim Kimero, Andrew and Screened Name and of course, sayo Artista/Host. Thank you for everything! I sooo love you guys!
Tuesday, January 24, 2012
Hapi anibersari :p
Nalulungkot ako na natutuwa na pagkatapos ng sanlibong taon, magpopost ulit ako dito. Sabi ng isang co-coper sa twitter Anniversary na daw ng blog na ito. :) natuwa naman ako na isang taon na pala ang nagdaan simula nang nabuo to dahil lang sa mga hinanakit sa buhay pag-ibig. Haha. Oha, ngayon iba na.
Nakakalungkot, sa sobrang kabusyhan sa buhay e di ko na magawang magsulat man lang. Napakademanding ng mundo. Huhu. Worse, outdated na ako sa mga buhay nyo. Haaay. Kumusta? :D sana ayos pa ang takbo ng mga buhay nyo. Hehe. Naku, dumarating at lumilipas na lang ang mga araw ko na walang pagbabago. Ang lungkot, napaka-neutral ng buhay, wala nang trill.
Pero hindi dapat ito ang laman ng post ko. Hehe. Matagal tagal din akong di nagparamdam, sorry. Dumaan ako para bumati, Hapi Anibersari Copers! :3 sana masaya kayo lagi. Sa career, sa lovelife at kung saan pa. At chaka dumaan din ako para iintroduce tong kinawiwilihan ko (minsan lang) na site: omegle.com. Nakakaloka, magchachat kayo ng strangers. Wala lang, ang saya lang at andami kong natututunan sa buhay. O sabe! Walang kwentang post ito. Haha. Ingat kayo lagi! Bye~
Sa malungkot ngayon, chin up, better days ahead. At di ka nag-iisa. Hinding hindi ka mag-iisa. :)

Wanderer
If I were in between life's glorious heaven and chaotic hell, I'd be idly sitting in a corner at Green Coffee Timog corner Tomas Morato with my feet on top of a chair. Sipping my signature hot or cold chocolate. Eating my spicy red tuna pasta. Listening to music. Wondering and wandering.
Midnights have passed, I've been occupying the same spot--just one of the white tables-and-chairs in the smoking area. The coffee shop crew Diane knows my name so well by now and how I'd prefer my drinks sans whip.
These are the times I'd talk to myself, because there's just no one else around other than three empty chairs--One, I'd use as footrest. The other, I'd use to put my sling bag on. The third's always empty, probably reserved for whatever realities I am coming face to face with at the moment.
Realities are my coffee guests.
I'd take a peek on the passersby--usually party-goers coming in cliques to the adjacent establishment. These are moments I'd be reminded that I am alone at my prime. That I am, figuratively, homeless at 26.
But these are not exactly sad moments, for I'd usually be more apathetic than emotional. The years have taught me to be strong. At times I'd just feel like a breathing piece of clothed meat without philosophy, without purpose...
...but with only a piece of music playing in my head.
Saturday, January 21, 2012
This version is wicked.
This is music. Very soothing to the ears.
Thursday, January 19, 2012
Give Your Heart a Break
this is what i want to tell you... Please give your heart a break. When will you realize. Baby, I'm not like the rest.
"Cuz you've been hurt before
I can see it in your eyes
You try to smile it away
Some things, you can't disguise
Don't wanna break your heart
Baby, I can ease the ache, the ache"
"Cuz you've been hurt before
I can see it in your eyes
You try to smile it away
Some things, you can't disguise
Don't wanna break your heart
Baby, I can ease the ache, the ache"
Wednesday, January 18, 2012
Tuesday, January 17, 2012
Monday, January 16, 2012
I Love You, Goodbye...
"Thank you for everything.
Kampante na akong magmove-on ngayon.
But this doesn't mean na hindi na kita kinoconsider na friend.
I will still be here for you r-----o.
Sana mahanap mo na ang makakapagpasaya sayo."
Ito na ang huling mensahe ko sa kanya kaninang umaga. Hindi ko alam kung ano ang naramdaman ko kanina paggising ko. Parang manhid na ata. Naging manhid na siguro matapos ang aming pag-uusap.
Para sa mga sumusubaybay ng aking kwento...
Nag-usap na kami kahapon. Nagpaalam na ako sa kanya. Parang let-me-be-the-one-to-break-it-up lang kahit hindi naman talaga kami. Ito na rin siguro ang tamang panahon para i-let go ko na ang nararamdaman ko para sa kanya kasi ang sakit na. Ang gusto ko lang, maramdaman kong importante ako. Sinasabi niyang importante raw ako pero hindi niya alam kung gaano. K fine. Kuha ko na.
Hindi ko ulit mapigilan ang luha. Ang sakit lang na habang nag-uusap kami may background music pa. Kumakanta pa siya na kahit alam niyang yun ang isa sa pinakamamimiss ko sa kanya. Habang naririnig ko siyang kumanta, parang gusto ko nang bawiin yung mga sinabi ko. Pero hindi. Desidido na ako. Mangyayari at mangyayari ulit ito lalo na kung alam mo naman na mas mahal mo siya at hindi gaano yung nararamdaman niya sayo. Kuha mo? Sabi nga niya, ganun talaga siguro. Ganun nga talaga. Lalo na kung hindi mo naman nakikitaan ng effort yung isa. Napapagod din ang puso.
Pero nung gabi na, sinubukan ko pa siyang tawagan. Di na siya sumasagot. Siguro kung sumagot siya, baka binawi ko lahat. Pero dito na siguro magtatapos ang kwento naming dalawa. Hindi talaga siguro siya ang nakatakda para sa akin. Pero sabi ko nga sa kanya, kaibigan pa rin ang turing ko sa kanya. Alam kong magiging mahirap para sa amin, pero kakayanin. Hindi malayong muli kaming magkatrabaho. Sana pagdating ng panahon na yun, masasabi kong kaya ko na siyang harapin. Sana wala na talaga akong nararamdaman.
Hindi ko alam kung kelan ko masasabing OK na ulit ako. Sabi nga, makakalimutan mo lang daw ang magagandang alaala kung may pumalit na na mas maganda. Pero sa estado kong ito, parang hindi ko pa ata kayang i-welcome ang mga ganun. Muli na naman akong natakot.
Maraming salamat sa masasayang usapan. Marami man sigurong pumatak na luha, mas marami pa rin ang mga halakhak. Dahil din sayo, nadagdagan din ang nalalaman ko tungkol sa buhay. Ang ipinagdarasal ko lang ngayon, sana maging masaya ka na. Mabalitaan ko lang na masaya ka, masaya na rin ako. Sana maging matagumpay ka sayong karera. You still have a beautiful friend in me. Chos.
"Letting go means accepting the things that cannot be. It means maturing and moving on, no matter how hard you fight yourself to do so. Courage is not always the absence of fear but simply moving on with dignity despite that fear."

Sunday, January 15, 2012
Yosi break
Nararamdaman kong malapit na akong itakwil ng mga dati kong kaibigan dahil sa mga choices ko sa buhay lately. Sila na ang malinis. Sila na ang mabuti. Sila na ang mabait. Hindi ko pinangarap na maging perpekto.
Gagged, Kim Kimero, Tonto, at mga co-copers, walang iwanan ha...
Drama lang.

Labels:
coping mechanisms,
Drama,
pagkakaibigan,
walang iwanan
Randomero
Dinaanan ng mga mata ko ang mga updates dito sa Coping Club. Oo nga, bibihira akong magpost kesa sa mga idol ko. Makes sense to me naman. Kaya nga ako si Kim Kimero. Pero bago ako matulog, gusto ko lang din kumustahin ang sarili ko. Yung tipong dahil sa pagsusulat, mailalabas ko ang gusto kong sabihin. Marerealize ko ang aking nararamdaman. Maisasalin ko sa salita ang mga gusto kong mangyari.
Naging makabuluhan ang Christmas vacation ko. Tuluyan kong napatatag ang sarili ko sa harap ng mga panlulumo. Kahit hindi ko alam kung hanggang kailan magpapatuloy ang katatagang nakilala ko, ang mahalaga ay nagagawa ko na ito ngayon. Napansin ko sa sarili ko ang pagbabago. Nakakalimot na ako. Naibabaling ko na ang isip ko sa mga bagay na makapagbibigay sa akin ng peace of heart and mind.
Masaya ako kung nasaan ako ngayon. It doesn't really matter if I am alone. Freedom will always be the best thing that could happen to me after every I-thought-it-was-love phase. The chance to think outside of what I feel. The chance to not want what I thought I wanted. The chance to want to breakaway from all the hurt. They said you should want something to achieve it, but sometimes you just have to not-want too.
I do not know when I would learn to trust again. Siguro kung may magaling na akong teacher, matututo rin ako. Experience is the best teacher, pero this time ayaw kong experience ang teacher ko. I want someone to make me trust again. Hopeful akong mahahanap ko rin ang More To Life sa Of How I Feel ng kanta ko. At masasabi ko ring God Gave Me You.
Andami kong gustong gawin. Kaso tamad ako. Andami kong gusto sabihin. Kaso antok na ako. Kaya next time naman. Gusto ko na ulit kayo makajamming Andrew, Tonto at Gagged. Inuman tayo! Tara na o!
Saturday, January 14, 2012
Terrified.
"I could be all that you needed. If you let me try..."
Friday, January 13, 2012
Thursday, January 12, 2012
Hagulgol sa Hatinggabi
Akala ko ayos na ako. Hindi pa pala talaga lalo na kung nagkapatong-patong na ang problema. Bakit kaya nagsasabay-sabay ang problema? Ang sarap sabihin sa Diyos na "Papa God, wait lang po. Pwede isa-isa lang?". Di ko naiwasang humagulgol ulit kagabi.
Parang sasabog ako. Gusto ko nang maggive-up. Namutawi sa bibig ko ang linyang "ayoko na". KInailangan ko ang kausap. At dahil alam kong halos magkapareho kami ng pinagdadaanan, tinawagan ko si Andrew. Pero dahil i-ere na siya, naputol muna ang usapan. Tinawagan niya na lang ako habang nandun siya sa makasaysayang Street Unknown. Maraming salamat sa pagdamay Andrew. Hindi ko siguro alam ang gagawin ko.
Sabi nga ni Andrew, ganun daw talaga ang buhay. Pero kakayanin naman ang mga pagsubok. Hindi naman magbibigay ang Diyos ng pagsubok na hindi mo kaya.
Kailangan ko lang siguro ng espasyo. Kailangan ko lang mag-unwind. Kailangan kong magrelax!
Payo pa ni Andrew, maghanap raw ako ng mapaglilibangan. Gym? Prayer meetings?
Hay ewan!
Positibo akong malalampasan ko rin 'to.
Baguio lang ang katapat nito.

Looking forward to the new Idol season
Time flies. It's the start of another American Idol season this week. I wonder what it's gonna be like without Simon Cowell.
The schedule of the show on ETC, the only clear channel on our Jurassic TV set, falls on my work duty. Great. So I hope I'd be able to rely on replays and online grabs.
Also, I couldn't help but remember my favorite winning moment in Idol history.

Wednesday, January 11, 2012
Comfort Room
Pang-ilang araw na ba? Hindi ko na binibilang ang araw na malungkot ako. Sa totoo lang, pakiramdam ko ang tagal-tagal na. Pero natutuwa naman ako sa bawat araw. Nararamdaman kong paunt-unti ay nagiging OK ako. Paggising mo sa umaga eh parang mas magaan kaysa sa nakaraan. Good for me! Hindi naman talaga madali ang mag move-on lalo na kung meron ka pang nararamdaman para dun sa taong nais mo nang kalimutan.
"Love takes time to heal when you're hurting so much."
Hindi ako nagmamadali na kalimutan ka. Sa totoo lang, mas nangingibabaw ngayon ang "sana maayos pa natin 'to" factor. Hindi rin kasi ako makakamove-on ng maayos kung di rin tayo makakapag-usap ng maayos.
Kagabi, binalikan ko ang panahong hindi pa tayo magkakilala. Masaya naman ako. Pero aaminin kong mas naging masaya ako nung makilala kita. Oh! Wag masyadong lumaki ang ulo! Hindi ko pinagsisisihang nagkagusto ako sa'yo. Bigla ko na lang kasing nararamdaman kahit anong pigil ko. Ganun talaga siguro ang buhay.
Isang araw, masasabi ko rin ang sinabi ni Emma sa pelikulang One Day.
"I love you but I don't like you anymore."
Pero sabi ko nga, hindi ako nagmamadaling sabihin yun. Darating ang araw na masasabi ko rin siguro yan.
One day....
(Sa mga sumusubaybay sa the coping club, pasensiya na kung karamihan ng entry ay mula sa akin. Kailangan ko lang mailabas ang nararamdaman ko. Sa ngayon ito ang itinuturing kong Comfort Room)

You hit me like a subway train...
Para kay Tonto, sa aking sarili, at sa panahon.
Basag
Pagod ako ngayong araw. Dalawang shift kasi ang binuno ko. At sa gitna ng kangaragan ko, nag-ring ang aking higanteng telepono.
Tumatawag siya.
Pero hindi ko na nasagot.
Text ako.
"Hi were you calling? I'm about to air (ngarag mode hehe).
Nag-reply siya.
"Sorry, napindot lang accidentally."
I figured. XD
Mabuti na lang 'di ako gaanong natuwa.
At 'di gaanong nagbakasakali na baka tumatawag talaga siya.
Para kumustahin ako o kausapin kahit limang minuto.
Kung hindi, tiyak na basag na naman ang windshield ng ego ko.
O hindi pa ba?

Tuesday, January 10, 2012
Kuneksyon
Question.
Bakit kapag broken-hearted ka, lahat na lang na makita o marinig mo eh nakokonek mo sa'yo o nagpapaalala dun sa taong dahilan kung bakit ka malungkot? Yung tipong parang ayaw kang lubayan ng sama ng loob?
Ganun kasi ang nangyayari sa akin ngayon. Halos lahat ng naririnig ko, nakikita, nababasa, eh may konek! Kahapon, naglalakad ako eh may nakasalubong akong kasing katawan niya (chubby), kabuhok. Arrrgghh! Siya agad ang pumasok sa isip ko.
Kahapon din pinalitan na pala si Rabena. Mulawin daw ang pumalit. Chos! Waley. Kidding aside, kaapelyido niya pa ang pumalit. Bakit kasi napakacommon ng apelyido! Di tuloy ako tinatantanan!
Kahit yung bagong commercial ni Kris Aquino eh napagbuntunan ko na ng inis. Kung kakain ba ako ng dram dram na San Marino eh makikita ko na ang aking true love? Kalokohan! Bitter!
Pati pa pala yung commercial ni John Lloyd na Magic Flakes ba yun. Yung pangalan ng produkto mismo, eh ouch na. Pati pa yung linya ng babae dun. "What about my feelings?" Tama naman talaga. Dapat paminsan-minsan magtanong din ang babae ng ganun. Minsan kasi, kailangan talagang itanong yun para naman malaman nung isa na nasasaktan ka na. May mga tao lang talaga sigurong insesitive. Oh diba, nakonek ko rin pati yun. Iba talaga pag nasa gitna ka ng "moving on" stage at "sana-bumalik-ang-dati".
Alam kong napakapathetic ko na. Naaawa na rin nga ako sa sarili ko eh. Pagod na ako diba? Pero bakit sa likod ng utak ko, may nagsasabing sana pag nabasa niya to, bumalik pa siya.
Anyway, nakakatawa pa kagabi. Kasi super late na akong nakatulog. Matapos yung pag-uusap namin ni Andrew, ang tagal pa bago ako nakatulog. Sabi kasi nila, pag ganyan daw, may nag-iisip sayo. Sana siya yun. Naiisip niya rin kaya ako? Gaya rin kaya ng epekto sakin ang epekto sa kanya ng nangyari sa amin? Parang KC-Piolo lang. Hahaha. Yung parang si KC lang ang apektado. May ganung lebel talaga, ano? Nakonek ko rin yun.
Oh siya, bukas naman.
Abangan ang panibagong araw ng pakikipagsapalaran at pagbangon ko.
Bow.

Relief
Nakasalubog ko si Tado sa kalye kahapon. At talagang for a split second, nalito ako kung sino ba sa amin ang artista. Charot.
Dumaan ako sa Vietnamese noodle house na Pho Hoa. Nakalimutan ko na ang pangalan ng inorder ko, pero ang sarrrrrap nito. Sabayan pa ng isang higanteng baso ng freshly squeezed lemon juice. Gastos man, pero ang paminsan-minsang pag-date sa sarili ay priceless, lalo na sa gitna ng stressful na trabaho.
Pagsapit ng gabi, nakausap ko sa telepono ang co-coper nating si Tonto. Sa unang tawag, weird, dahil iba naman ang nakausap ko at iba rin ang nakausap niya. Parang party line lang sa sinaunang itim na telepono. Salamat sa makabuluhan nating pag-uusap, Tonto. At sa tunay na pagkakaibigan.
Cheers!
Monday, January 9, 2012
Luha by Aegis
Lumipas ang isang araw. Di ko mapigilan ang aking mga luha. Ang sakit pala talaga. Hindi pa sana ako maglelet go. Kaya ko pa sana eh. Kaso napilitan na ako. Ang sakit sa pakiramdam na marinig mula mismo sa kanya na nasasakal siya sa'yo. Ouch yun. Biglang bumalik yung sakit na naramdaman ko sa isa ring naging parte ng buhay ko. Siguro nag overreact ako pero yun yung naramdaman ko eh. Kung itatago ko pa, baka sumabog na ako. Baka di ko na kayanin sa susunod. Baka gumising na lang ako na hindi ko na kilala ang sarili ko. Kaya habang maaga pa, aayusin ko na rin muna ang sarili ko. Aaminin ko, mahal ko talaga yun. It's so hard to let him go but I have to. Marami pa namang luha. Sana sa bawat pagpatak nito, unti-unti na ring mauubos ang sakit na nararamdaman ko. Sana.....
Busy Tone
Nang marinig ko ang busy tone, bigla akong binalot ng nakakabinging katahimikan.
May hangin sa paligid pero hindi ko marinig ang kaluskos ng mga dahon sa Street Unknown.
Parang naka-mute na pelikula.
Mapunan lamang ang kawalan, nagkumahog akong hanapin sa playlist ko ang maingay na kanta ng The Exies para patugtugin sa nakasalpak kong earphones.
Ang musika, base sa aking karanasan, ay mabisang anesthesia.
Maya-maya pa, nag-text ka.
Opening.
"Hey sorry, had to reject your call. May ginagawa kasi ko..."
Reply.
"No worries. That was just a random phone-a-friend for Who Wants to Be a Millionaire. And I lost the game, because you hang up! The question supposedly was, what is the square root of 25? I answered, 5.756378. Tangina, 5 lang pala ang sagot!? :)) Anyway, hope you're cool. :)"
Sent.
Natawa ka.
Natawa rin ako.
At naisip kong may masasaklap na reyalidad na mas okey na idaan na lang sa biro. Dahil sadyang malaking biro lang din naman ang buhay.
Ika nga nila, "Don't take life too seriously, because nobody has come out of it alive anyway."
Pero tuloy lang. Habang may musika.

adik,
Broken-Hearted,
chos,
coping,
Drama,
is it worth it?
Sunday, January 8, 2012
A Sad Love Story
Actually, wala namang istorya. Hindi pa kasi nagsisimula eh natapos na. Gets? Ang masasabi ko lang, natagalan ata ako sa page 1 kahit wala naman palang laman. Next page please! Magbabakasakaling dito may totoong kwento na. Hindi pa nagsasara ang libro ng lablayp ko. Welcome ang gustong maging bahagi ng kwento. Kung nasaktan man siguro ako ngayon, mas masasaktan ako bukas. Chos! Ganun talaga ang buhay. I've been hurt but I will always learn to love again.....
Abangan ang Next Page......
Abangan ang Next Page......
Saturday, January 7, 2012
Skater Boy...
Buong akala ko, kaya ko nang ikwento ang nangyari sa isang kaibigan. Mula sa masasayang pinagsamahan namin hanggang sa siya'y pumanaw. Hindi pa pala. Hindi ko kinaya. Tumulo ulit ang mga luha. Garalgal ang boses ko habang nagkikwento sa mga curious kong boardmates. Parang sasabog ang dibdib ko. Napaiyak din sila nung umiyak na ako. Di na nila ako pinilit na tapusin ang kwento. Di ko rin pala kayang tapusin. Di ko pa kayang bitawan. Sa 21, isang taon at dalawang buwan na mula nang pumanaw siya. Birthday ko rin.
Sana nandito pa siya. Mas masaya sana. Ibang-iba sana ang sitwasyon ngayon. Kuya, please be my angel. Lalo na ngayong may pinagdaraanan akong mabigat. Pakikalabit ng mga nagpapasama ng loob ko ngayon. Resbakan mo na! Alam kong yun ang gagawin mo kung nabubuhay ka pa.
Street Unknown
Araw-araw kong tinatahak ang daang ito pauwi galing sa trabaho. Hindi ko pa rin alam kung anong tawag sa street na ito.
Makailang beses na ring ikaw ang nasa isip ko habang nilalakad ko ito mag-isa, pero tulad ng kalsadang walang pangalan, hindi ko mawari kung saan tayo patungo.
Sa una nating pagtatagpo sa Avid' s bar sa Metrowalk, naging mabait ka sa estrangherong kaharap mo. Matipid man ang iyong kwento, nababawi naman ito ng maaliwalas mong ngiti.
Naglakas loob akong sabihin sayo na gusto kita. Mabilis, alam ko. At pangamba kong isipin mong flirt o wild ako. Ang parating sagot mo lang sa bawa't pagpapahiwatig ko, "Friends like each other."
O di kaya'y, "Adik ka."
At ang pinaka-memorable sa lahat, ay nang sabihin mong, "You need help. Medical help."
Lahat nang 'yan sinusundan ng laughing smiley. Sabay kabig ng, "Joke lang."
Ang lagi ko namang tugon sa 'yo, "Jokes are half-meant."
Sabi ko pa, sana mag-joke ka rin na mahal mo ako, para at least man lang, half-meant. At lakas-tawa mo akong tatawaging "boy banat."
Bakit ba ako nagpapaka-cheesy? Hindi naman ako ito. Madalas akong seryoso, blangko, at hindi expressive. Hindi mo lang alam 'yon kasi ganito na ako nang magkakilala tayo.
Pero paano ko ba ipapakilala sa 'yo kung sino ako? Hindi ka naman nagtatanong. Ang totoo, kadalasa'y nahihiya akong magbukas ng sarili sayo. Dahil hindi ko alam kung gusto mo ba ako...na kausap.
Hindi ka rin gaanong nagkikwento. Ni ayaw mong maging friends tayo sa Facebook at Twitter.
Pero patuloy mo pa rin akong kinakausap. Kung iisipin pwede mo namang gunawin ang mamumuo pa lang nating mundo. Pero hindi mo naman 'yon ginagawa.
Kaya ako, umaasa.
Sabi nga nila, habang buhay, may pag-asa. At sabi naman ng Pag-asa, may low pressure area sa timog silangan ng General Santos City. Chos!
Tulad ng sama ng panahon, pakiramdam ko'y balot ako ng makapal na ulap. Umuulan nang malakas, pero tila ako lang ang nababasa. O di kaya'y lahat may payong, ako lang ang wala.
Makulimlim na reyalidad.
Hindi ka pa man dumarating, ay tila lumisan ka na.

Monday, January 2, 2012
Kilig
Kinikilig ako. Kahit hindi pa man siya nagrereciprocate. Maghihintay ako. XD
Sunday, January 1, 2012
Paalam at Salamat 2011
Tapos na ang 2011. Panahon na upang harapin ang bagong taon. Pero alam kong mananatili pa rin ang bangungot ng nakaraan. Maraming nangyari. Maraming drama pero marami rin naming comedy. Hayaan niyo akong balikan ang mga pangyayaring kaya lang alalahanin ng aking puso at isipan. Umaasa akong sa paraang ganito, mas madali sa akin na harapin ang panibagong yugtong ito ng buhay ko. Ito ang buhay ko sa taong 2011.
January. Naging maayos ang simula ng taon. Pero pagbalik ko ng Legazpi, naghihintay si Gagged. Sawi. Malungkot. Hindi ko inasahang ganun na lang naapektuhan ang kaibigan ko sa isa rin sa mga pagsubok sa buhay-pagibig niya. Dun ko siya nakitang hinang-hina. Pero sigurado ako nung mga panahon na yun na malalampasan niya ang pagsubok. Tama naman ako. Enero din nang nagsama-sama kami sa isang event nina Gagged at Andrew. Gatecrashers ang drama namin ni Gagged. Haha. Dun na din nagsimula ang madalas naming paglabas. Ang paboritong lugar: Howlin @ the Moon. Sa mga kanta siguro namin ibinuhos ang pinagdadaanan namin. Mas tumibay ang samahan sa madalas na kwentuhan at tawanan. Sa buwan na ito rin tumungtong na ako sae dad na 22. Wala lang. Pagdating naman sa trabaho, makulay ang buwan na ito. Malakas ang ulan. May landslides. May evacuees. May Manila team. May Jorge CariƱo at may Korina Sanchez.
February. Buwan ng mga puso ika nga. As usual, hindi ko din naman nafeel ang okasyon. Zero pa rin. Pero naging kontento pa rin sa company ng mga kaibigan. Pagdating sa trabaho, ito ang buwan nang una akong umere sa TV Patrol. National yan ha! Hindi ko yun inaasahan. Dun ko mas napatunayan na may tamang panahon para sa lahat. Matagal ko na rin naman kasing pangarap na umere sa national. 2010 nung may pagkakataon n asana pero hindi naman natuloy. Pero Pebrero nang pumutok ang Bulkan BUlusan at saktong nasa malapit lang kami. Nakunan ang lahat ng dapat makunan. Nakagawa ng istoryang maganda. Halos walang aberya kahit sa pagpapadala ng material. YUn na ang panahon ko. Si Kabayan ang nag-intro. Ang sarap pakinggan na mismong si Noli De Castro ang nag-iintro sa pangalan mo. Nawala lahat ng pagod. Yes! At siya nga pala, take 3 yung istorya ko. Ibig sabihin pangalawang istorya para sa gabing iyon. Ayos! Dahil dun mas nagging inspired magtrabaho.
March. Lakwatsa month! Itinuloy namin ang planong pumunta ng Baguio City. Pero ang dapat sana’y walo hanggang sampung magkakasama, naging apat na lang. Hindi nakasama ang artista. Busy daw. May pictorial. K. Sabi nga ni Gagged, ang pictorial kasi may kontrata kaya obligadong puntahan. Ang pagkakaibigan, wala kaya pwedeng talikuran. So ganun nga, apat na lang kami. Si Andrew, si Gagged, si Kim Kimero at ako. Sa bus pa lang papuntang Manila, pamatay na agad ang mga karanasan. Hinding hindi ko makakalimutan ang foreigner sa stop over. Ooowwww. Nakakawala rin ng problema ang mga bloopers ni Andrew. Tatlo lang ang nabili na ticket. Hindi niya nabilhan sarili niya. HAhahaha. Panalo din ang trip papuntang Baguio. Tawanan sa mga stop over. Bili ng pagkain sa bus. Ang sarap ng chicharon sa Pampanga. Winner! Ang sarap ng hangin sa Baguio pero mas masarap alalahanin ang isa pang blooper ni Andrew. Nanaginip at super sigaw ng HELP! Sosyal talaga. Kahit sa panaginip, English! Hahahaha! Pasyal dito. Pasyal dun. Picture ditto, picture dun. Kain dito, kain dun. Bili dito, bili dun. Super fun! Nagmadali kaming bumaba dahil babawi raw ang artista kinaumagahan. Ok. Sa isang Italian resto niya kami dinala. K. Mahal. Siya na ang rich. KOnting kwentuhan lang then sibat agad. Dun na nagsimula ang masalimuot na kwento naming magkakaibigan. Unti-unting nawala. Bigla niya kaming inunfriend sa Facebook. Inunfollow sa Twitter. Ouch yun! Tsk tsk. Bad. Dahil dun mas na-engganyo akong sumali sa copingclub. Dun ko sinulat ang mga hinanaing ko. March din pala nang tumulak ulit sa Manila si Gagged para dun na ulit magtrabaho. Ayaw ko man dahil takot akong muli siyang masaktan, hindi ko naman pwedeng pigilan ang ikagaganda ng kanyang career. At alam ko naman na hindi siya tulad nung artista.
April. Naging malaking issue ang para bang pagtalikod sa pagkakaibigan. Dito ko ata siya nakatext at marami rin akong nasabing ikinasakit ng kanyang loob. Hindi ko pinagsisihang nasabi ko yun pero alam ko nasaktan siya kaya nagsorry na lang din ako. PEro din na siya nagreply. Nakakalungkot. Ito lang ang aking naaalala.
May. Flores de Mayo. Chos. Muling pumutok ang bulkan bulusan. Bandang alas dose ng madaling araw. Ala una pa lang, nasa kalsada kami ulit. Tinatahak ang madilim na kalsada papuntang Sorsogon. Sa mga ganitong pagkakataon, mas naaalala ko ang namatay naming cameraman. Siya sana ang kasama namin sa coverage na to. Siyempre, padala agad ang Manila ng flyaway –ito yung gamit para makapaglive kami. Dito ko nakilala si magician/custodian. Nachallenge ako sa dala niyang rubic’s cube kaya nung nag-offer ata siya ng kape, hindi pinansin ang kape at ang laruan ang kinuha ko. Sabi niya, dun daw siya naamaze sa akin. Nagtext siya sa akin isang gabi. At dahil may pagkakatulad sa aming ugali, nagkasundo kami. Araw araw na ang pagtetext kahit nakabalik na sila ng base. Di pa siya nakuntento, tumawag pa. Minsan halos apat na oras kaming magkausap. Sa ilang araw lang siguro, nakwento na ata naming ang pinakaimportanteng nangyari sa buhay namin. Sabihin na nating, kahit malayo kami. Umulan na naman kasi sa Albay. Ang daming palpak sa mga live. Arrrghhh.. Gagaling din ako tulad nila. Hhhmppf!
June. Patuloy ang pagdating ng mga bagyo. Cover dito, cover dun. Nagpapatuloy ang pagtetext. Patuloy lang.
Itutuloy...

Subscribe to:
Posts (Atom)